^

PSN Showbiz

Kahit may Luis na siya Jennylyn nagsalita na sa mga nagnanasa sa kanya

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Suportado ni Ogie Alcasid ang bagong programa ni Regine Velasquez, ang Sarap Diva na magsisimula na sa Sabado, October 6 bago mag-Eat Bulaga.

May participation siya sa pilot episode nito at kahit sa Twitter account niya ay panay ang promote.

Sabi ni Ogie, bukod sa pagkanta ay maipapakita raw ng kanyang asawa ang galing nito sa pagluluto.

Sabi naman ni Regine, hindi naman daw siya ganun kagaling pero nagtataka raw siya bakit gustung-gusto ni Ogie ang mga niluluto niya. Kaya kahit abala ito sa pag-aalaga kay Baby Nate, nagluluto pa rin si Regine at tinatago lang niya sa refrigerator para pag kumain daw ang asawa niya, iniinit na lang nito.

May virtual participation pala si Baby Nate at ang doggie nilang si George sa Sarap Diva.

PAK: Kahit pala alam ng lahat na may Luis Manzano na si Jennylyn Mercado, marami pa rin pala ang nanliigaw sa kanya at nagpaparamdam.

Hindi naman sila ini-entertain ni Jennylyn pero may mga ilang medyo makulit at ang iba nga raw ay mga kilalang celebrities.

Kaya tuloy nasasangkot pa rin si Jennylyn sa mga intrigang hiwalayan dahil marami pa rin ang nagnanasa sa kanya.

Pero nilinaw nitong matibay ang relasyon nila ni Luis at hindi sila nagpapadala sa mga intrigang maaring sumira sa kanilang relasyon.

BOOM: Dahil sa CyberCrime Prevention Law, kapansin-pansin sa mga profile pics ng mga kilalang celebrities na itim na ito.

Isa lamang ito sa pagpapahayag nila nang pagkontra sa ipinasang batas na lalong magpapasikil sa Freedom of Speech.

Ilan sa mga taga-showbiz na nakikiisa sa pagkontra sa CyberCrime Law ay ang mga magkakapatid na Magalona, Lea Salonga, Jim Paredes, Arnell Ignacio, Mo Twister. Marco Alcaraz at marami pa.

Abangan sa Startalk ang kuwentong ito na mainit na pinag-uusapan sa ngayon.

       

vuukle comment

ARNELL IGNACIO

BABY NATE

EAT BULAGA

FREEDOM OF SPEECH

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JIM PAREDES

KAYA

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with