^

PSN Showbiz

Planong kasalan mauuwi pala sa hiwalayan, babae may natuklasan sa lalaking isang taon pa lang karelasyon

- Jun Nardo - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Mauuwi rin yata sa hiwalayan ang relasyon ng isang showbiz at nonshowbiz personality. Unti-unti na ring lumalabo ang balitang magpapakasal na ang dalawa this year.

May natuklasan daw ang babae na hindi maganda sa ugali ng lalaki. Kaya naman nagdadalawang-isip na si babae na muling lumagay sa tahimik.

Sa darating na araw ay magiging busy na si babae sa trabaho. So, mababawasan na ang oras niya sa lalaki. Pu­wede nang magdesisyon si girl kung hihiwalayan na niya ang lalaki dahil magkakaroon na siya ng sariling oras upang desisyunan kung ipagpapatuloy o wawakasan na ang relasyon sa lalaki na wala pang isang taon niyang nakakaulayaw.

Aljur talbog sa tatay na magaling kumanta

Maganda pala ang boses ng Mr. Pogi winner na si John Edric Ulang. Ipinamalas ng grand winner ng male contest ng Eat Bulaga ang kakaiba niyang boses nang mag-guest siya sa spoof ng The Mistress, ang The Miss…Tres nung Sabado sa Eat Bulaga.

Eh bukod sa pagkanta, marunong ding umarte si John Edric. ’Yun marahil ang naging lamang niya sa mga kalaban kaya kahit hindi katangkaran ay siya ang hinirang na 2012 Mr. Pogi.

Sa nasabing palabas, panalo rin sa aktingan sina Alden Richards at Aljur Abrenica na guests din. Nahasa na talaga ng husto ang acting ni Alden sa One True Love at nandoon na ang confidence niya.

Nananatiling simple nga lang ang dating ni Alden at walang mababanaag na ere sa ulo.

Nagulat naman kami sa ganda ng boses ng father ni Aljur. Lalaking-lalaki at musikero talaga ang dating. Ang fadir ni Aljur ang humahasa sa boses ng anak na kumpiyansa na rin sa pagkanta.

Naku, kung namana ng husto ni Aljur ang boses ng ama, panalung-panalo tiyak ang dating ng Starstruck winner!

Of course, sa mga Miss Tres na sina Kim Idol, Petite, at Boobsie Wonderland, havey na havey talaga ang batuhan nila ng punchlines kaya naman puwedeng ulit-ulitin ang ginawa nila.

Sen. Bong magpa-party na!

Sasalubungin ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang kan­yang 46th birthday ngayong gabi sa isang hotel. Siyempre pa, punong-abala ang sister niyang si Andeng Ynares kahit galing sa isang trahedya dahil sa pagkamatay ng huling anak.

Galing pa sa shooting ng Si Enteng, si Agimat & Me si Sen. Bong sa Ilocos last week at tradisyon na sa showbiz ang magkaroon siya ng pasabog na birthday party.

Sa totoo lang, bukas pa, Sept. 25, ang birthday ni Sen. Bong at proud kaming sabihing ka-birthday niya.

Ay, belated happy birthday din sa aming pretty editor last Sept. 23 na si Salve Asis!

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANDENG YNARES

BONG REVILLA

BOOBSIE WONDERLAND

EAT BULAGA

JOHN EDRIC

JOHN EDRIC ULANG

MR. POGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with