^

PSN Showbiz

Aiai sinuyo ng jewelry set ng dyowa nang magkalabuan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Kamakailan ay nakabalik na sa bansa ang babaeng anak ni AiAi delas na si Sophia mula sa Amerika. May kinalaman nga ba ito sa diumano’y pakikitungo ng dating asawa ni AiAi na si Miguel Vera at ang kasalukuyang asawa ng singer?

“Parang ang lumabas kasi sa balita, ’yung step mom niya ’yung nang-aapi sa kanya. Hindi naman totoo ’yun, napaka-unfair doon sa mga taong involved. Nagkaproblema lang na minsan naman hindi mo maiiwasan sa isang pamilya,” paglilinaw ni AiAi.

Bago umuwi si Sophia ay naayos naman ang hindi pagkakaunawaan nila.

“Opo, maayos naman po. Hindi ko lang po talaga kinaya na wala ang mom ko. Masyado pa po akong bata siguro na hindi ko pa kaya na wala ang mama ko,” pahayag naman ni Sophia.

Muli raw babalik ang dalaga sa Amerika kapag nakapagtapos na siya ng high school dito sa Pilipinas para makuha ang kanyang green card at para na rin makapag-aral ng college roon. Samantala, may mga bulung-bulungan din na mukhang nagkakalabuan na ngayon sina AiAi at ang boyfriend nitong si Jed Alvin Salang. Nagbigay daw ng isang jewelry set ang binata sa aktres para muling suyuin ito.

“O, bongga ’di ba? Ganda ko! Echos! ’Yun na ’yun, huwag na nating pag-usapan. Kami pa rin siyempre. Lahat naman ng relasyon dumadaan sa ganoon. Wala namang perfect, wala naman sigurong relasyon na hindi nag-aaway pero naayos pa rin,” giit ng Concert Comedy Queen.

SUNSHINE umamin sa pagseselos at insecurity sa piling ni Cesar

Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa pelikula at telebisyon ang aktres na si Sunshine Cruz. Ngayon ay muli siyang nakagawa ng isang proyekto dahil kasama si Sunshine sa indie film na Biktima kung saan ang asa­wang si Cesar Montano ang bida.

“I have a special scene sa pelikulang ito. Siyempre hindi ako nakatanggi kasi pelikula ito ng asawa ko. Ang mahal ko lang namang lalaki sa buhay ko ay si Cesar Montano. I would like to be with him for the rest of my life,” pahayag ni Sunshine.

Sa loob ng labingdalawang taon ng pagsasama ng dalawa ay marami na rin silang napagdaanang mga pagsubok.

“May ligaya, merong lungkot, pero more on ligaya. Wala naman akong nai-imagine hanggang sa aking pagtanda kung hindi si Cesar lang. After we’ve been through napakaraming pagsubok pero kami pa rin talaga. Kapag bago ka pa lang, you have your insecurities, you are big and pregnant and your husband is macho, parang ‘Oh my God, ano ba itong nangyayari?’ ’Tapos ang daming seksing babae, nandoon ’yung insecurity at jealousy, pero kapag dumarating na itong twelve years na matagal na kami, nandun na ’yung confidence. I know in my heart and in my mind that my husband loves me,” paliwanag ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AMERIKA

CESAR MONTANO

CONCERT COMEDY QUEEN

JED ALVIN SALANG

MIGUEL VERA

NAMAN

SUNSHINE CRUZ

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with