^

PSN Showbiz

Young actress naiirita 'pag tinatanong tungkol sa `kamag-anak'

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Umasim ang mukha ng young actress nang tanungin ito kung tunay na kamag-anak niya ang aktres na gumagamit sa kanilang family name.

Napansin ng mga reporter ang reaksiyon ng young actress na parang hindi type na matawag na kamag-anak ng aktres.

No comment ang sagot ng bagets, kahit sinabi ng mga reporter na mismong ang aktres ang nagsabi na ginamit lamang nito na screen name ang popular na family name sa showbiz.

  Feel na feel ng mga reporter na hindi type ng bagets actress ang babae na nagpapanggap na kamag-anak nila. Baka tulad din siya ng ibang fans na turn off sa malakas na dating ng aktres na feeling sikat ang drama.

Sarah, Belo loyalist

Belo Clinic loyalist si Sarah Geronimo dahil bukod sa tunay na kapamilya ang trato sa kanya ni Dr. Vicki Belo, kasundung-kasundo ng balat niya ang Belo products.

Sumusumpa si Sarah na very effective ang Belo Essentials products at siya mismo ang living example.

May mga nagtatanong sa akin tungkol sa Belo Essentials products na ginagamit ni Sarah. Ang sabi ng aking favorite singer-actress, mahalaga na naniniwala ang isang katulad niya sa mga produkto na kanyang iniendorso.

Lalong pumuti at kuminis ang balat ni Sarah dahil religious ang paggamit niya sa Smoothening Whitening Body Bar with exfoliating microbeads at Pore-Minimizing Face Wash ng Belo Essentials.

Kitang-kita naman ang ebidensiya dahil kahit walang make up, smooth at glowing ang mukha ni Sarah.

“Ang Belo Essentials ang unang beauty product na naniwala sa akin. Ang tiwala at suporta nila sa akin ang mga dahilan kaya I feel better about myself,” ang sabi ni Sarah.

Walang big showbiz news noong nakaraang linggo kaya bentang-benta sa publiko ang paghihiwalay nina Lian Paz at Paolo Contis.

Tulad ng aking naunang pahayag, hintayin natin ang pagbabalik ni Paolo mula sa Amerika dahil siya ang higit na may karapatan na magsalita tungkol sa paghihiwalay nila ni Lian.

Narinig na ng buong bayan ang panig ni Lian kaya uhaw ang mga tao na marinig ang mga sagot ni Paolo.

Interesadung-interesado ang mga mahihilig sa showbiz news na malaman ang puno’t dulo ng paghihiwalay nina Lian at Paolo. Naniniwala ang mga curious na may malalim at mabigat na dahilan. Imposible raw na bigla na lang naisip ni Paolo na makipagkalas sa kanyang misis.

‘Game ’N Go pre-taped kaya andun ako’

Over acting na naman ang ulan na nagsimula noong Biyernes ng gabi at hanggang kahapon, nagbibigay ng problema sa Metro Manila dahil maraming lugar ang lubog sa baha.

Wondering ang mga nanood kahapon ng Game ‘N Go ng TV5. Paano raw ako nakumbinsi na lumabas ng bahay sa isang maulan na panahon para umapir sa game show nina Joey de Leon at Edu Manzano?

    Simple lang ang sagot, pre-taped ang guesting ko sa Game ‘N Go as in last week pa ako nag-taping kaya napanood ko kahapon ang sarili ko sa segment nina Papa Joey at Edu.

vuukle comment

ANG BELO ESSENTIALS

BELO

BELO CLINIC

BELO ESSENTIALS

DR. VICKI BELO

EDU MANZANO

LIAN

LIAN PAZ

N GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with