^

PSN Showbiz

Concert nila Jessica Sanchez sa Araneta grabeng mahal ng tickets

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Wala nang makakapigil pa sa concert ng American Idol Season 11 Contestants sa Smart Araneta Coliseum sa Sept. 21.

Tuloy na tuloy na ang pagdating sa Pilipinas ng Top 10 contestants ng sikat na singing contest sa buong mundo.

Isa lang ang worry ko, mapupuno ba ng Season 11 Idols ang Big Dome? Magkakaroon ba ng lakas ang mga Pinoy na gumastos ng P10,000, P9,500, P7,500, P5,500, P3,500, at P2,000? Ganyan ka-expensive ang ticket prices ng concert. Pinakamura ang P800 pero wala ka nang makikita na performer dahil nasa tuktok na ng Big Dome ang mga upuan.

Hindi pa nakaka-recover ang ating bayan sa mga kalamidad at kesa gumastos para sa concert ng American Idol, mas makabubuti na bumili ka na lang pagkain o tumulong sa mga nasalanta ng lindol at baha. Or paghandaan na lang nila ang concert ni Jennifer Lopez sa November dahil mga guest niya sina Enrique Iglesias at Jessica Sanchez. Kayo, ano ang pipiliin ninyo?

Ricky emosyonal sa Protégé

Emosyonal si Ricky Davao sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break noong Linggo habang sinasabi ang desisyon nila ng kanyang mga kapwa mentor na hindi sila pipili ng protégé na gusto nila.

Nalagay sa alanganin na sitwasyon ang mga celebrity mentor dahil mahirap ang ipinagagawa sa kanila. Kumbaga sa pamilya, pinapipili sila kung sino sa kanilang mga mahal sa buhay ang ililigtas nila sa isang bangka na unti-unting lumulubog.

Hindi pa tapos ang dilemma ng mga celebrity mentor dahil binigyan sila ng another chance na mag-isip na mabuti. Sa susunod na Linggo, sa ayaw o gusto nila, it’s a must na mamili sila ng contestant na kanilang ililigtas.

Sa mga celebrity mentor, walang problema sina Phillip Salvador at Roderick Paulate dahil tig-isang protege na lang ang inaalagaan nila. Natsugi na ang tatlo sa mga protégé nina Ipe at Roderick. Nakadagdag sa tensiyon na na­raramdaman ng mga mentor ang apat na protégé na nagpaalam noong Linggo.

Fans nagbabantang ibo-boycott ang TV show ng aktres na may kakaibang ugali

I-boycott ang TV show na pagbibidahan ng isang aktres ang panawagan ng fans dahil negative ang kanyang image.

Nagbanta ang fans na hindi susuportahan ang television program dahil hindi nila feel ang aktres na user-friendly sa kanilang paningin.

Sa totoo lang, nakapagtataka na marami ang may ayaw sa aktres. Pati ang showbiz press, hindi siya gusto. Bukod sa napaplastikan sila sa aktres, feeling sikat at intelligent daw ito.

Malalaman natin kung umepekto ang boycott ng fans kapag nagsimula na ang TV show. Kapag mababa ang ratings ng show, effective ang panawagan ng fans na huwag tangkilikin ang TV program ng aktres.

Richard at Sarah kitang-kita na ang relasyon

Bumalik na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati mula sa kanilang pagbabakasyon sa Boracay.

Natapos na ang taping ng Makapiling Kang Muli kaya sinamantala ng dalawa ang pagkakataon na pumunta sa Boracay, kasama ang kanilang mga kaibigan at ang mga kapatid ni Richard.

Kilig na kilig ang fans na nakakita kina Richard at Sarah sa Boracay. Bagay na bagay daw ang dalawa at base sa kanilang mga kilos at tinginan, halata na may something special na namamagitan kina Sarah at Richard.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

AMERICAN IDOL SEASON

BIG ARTISTA BREAK

BIG DOME

BORACAY

DAHIL

EACUTE

ENRIQUE IGLESIAS

LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with