^

PSN Showbiz

Pinay na bumibirit sa mall pinag-interesan na rin ni Ellen DeGeneres

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Totoo kayang napansin na raw ni Ellen DeGeneres ang Internet sensation na si Zendee Rose?

Naging hot item big­la itong dalagang nakunang kumakanta sa isang mall. Kaya pinag-aagawan na raw ito ng mga TV network.          

Pati nga raw ang ABS-CBN 2 ay interesadong kunin siya pagkatapos siyang hindi nakapasok sa X Factor.

Nag-guest na ito sa Party Pilipinas nung nakaraang Linggo at sumabay ito nang biritan kina Rachel Ann Go at Jonalyn Viray.

Pati si Regine Velasquez ay puring-puri ito at ang latest na narinig namin ay balak na itong kunin ng GMA 7 para maging regular sa Party Pilipinas.

PAK: Hindi napigilan ni Mother Lily Monteverde na maluha nang sunud-sunod na nagdatingan ang mga showbiz personalities sa birthday party nito na ginanap sa Imperial Palace Suites, Quezon City nung kamakalawa ng gabi.

Maluha-luha itong nagpasala­mat nang bumati sa kanya si Sen. Bong Revilla, Jr.

Sabi ni Mother Lily, kahit madalas na magkabalan daw ang mga pelikula nila ni Sen. Bong sa Metro Manila Film Festival, mahal na mahal pa rin niya ito at suportado pa rin niya ito.

Natutuwa nga si Sen. Bong dahil kahit magkatapat ang kanilang pelikula, ibinibili pa rin ni Mother Lily ng spots para ma-promote lang ang pelikula ng senador.

Sana magkaroon sila ng project na pagsasamahan ng Regal Entertainment, Inc. at Imus Productions.

BOOM: Isa si Lorna Tolentino sa mga pinagkaguluhan ng movie press sa birthday party ni Mother Lily dahil kalalabas lang ng balitang may stage one cancer ang pinsan nitong si Zsa Zsa Padilla.

Ayon kay Lorna, nasa pamilya na nila ang may history ng cancer kaya hindi na siya nagulat.

Magka-text sila ni Zsa Zsa nung araw na ’yun at sinasabihan na lang niyang magpakatatag ito. Dapat ay maingat na si Zsa Zsa sa kanyang kalusugan at dapat regular checkup at patuloy sa pagdarasal.

Naniniwala si Lorna sa bisa nang pagdarasal dahil napagdaanan din niya ’yun nung pagkatapos namatay ni Rudy Fernandez.

“Meron kasing findings before sa brain ko na puwede akong magkaroon ng aneurism, and after nung Holy Land trip nawala.

“’Yung prayer ng anak ko, si Raphael,” pahayag ng magaling na aktres.

Kaya naniniwala siyang malagpasan ito ni Lorna, basta patuloy lang sa pagdarasal.

vuukle comment

BONG REVILLA

HOLY LAND

IMPERIAL PALACE SUITES

LORNA

MOTHER LILY

PARTY PILIPINAS

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with