^

PSN Showbiz

Kailangan na agad operahan, bukol sa kidney ng biyuda ni Dolphy, malignant!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Dalawa ang big news sa linggong ito, ang pagbagsak noong Sabado ng eroplano na sinasakyan ni DILG Secretary Jesse Robredo at ang equally shocking news na may Stage 1 kidney cancer si Zsa Zsa Padilla.

Baha pa rin sa maraming bayan dahil sa malakas na ulan na dala ng habagat at bumaha rin ang mga pakikisimpatiya sa pamilya ni Sec. Robredo at kay Zsa Zsa na matapang na hinaharap ang not so good na kondisyon ng kanyang kalusugan.

Ooperahan si Zsa Zsa para matanggal ang bukol sa kanyang kidney na kasing laki ng golf ball.

Nagsimula ang pananakit ng tagiliran ni Zsa Zsa noong May at tulad ng aking kuwento na paulit-ulit, sumusumpong ang sakit nang magkita kami sa misa para kay Rudy Fernandez sa The Heritage Park, Taguig City noong June 7. Umalis agad si Zsa Zsa pagkatapos ng misa dahil not feeling well nga siya.

Hindi nakasipot si Zsa Zsa sa birthday dinner ni Willie Revillame para kay Mang Dolphy sa Wil Steak noong July 25 dahil sumakit uli ang kanyang tagiliran.

Si Dr. Vicki Belo ang nag-convince kay Zsa Zsa na ipa-check up ang kanyang kondisyon, ilang araw matapos ilibing si Dolphy. Lumabas ang resulta ng checkup kay Zsa Zsa, ilang araw bago ang 40th day ng pagkamatay ng King of Comedy.

Ang sabi ng American doctor na tumingin kay Zsa Zsa, malignant ang bukol sa kanyang kidney kaya kailangan ng operasyon. Stage 1 pa lang ang kidney cancer ni Zsa Zsa at malaki ang posibilidad na gumaling siya, sa tulong ng modern science.

Upset ang mga kaibigan at fans ni Zsa Zsa sa kanyang kasalukuyan na kalagayan. Nagluluksa pa si Zsa Zsa sa pagkawala ni Mang Dolphy, may bagong pagsubok agad sa buhay niya.

Dasal para sa paggaling ni Zsa Zsa ang appeal ng mga nagmamahal sa kanya dahil hindi biro ang kanyang pinagdaraanan.

Masuwerte si Zsa Zsa sa pagkakaroon ng kaibigan na katulad ni Dr. Vicki Belo. Isa si Mama Vicki sa mga nagpapalakas sa loob ni Zsa Zsa at para malibang ito, nanood sila kahapon ng concert nina Jennifer Lopez at Enrique Iglesias. Kasama nila sa panonood si Zia Quizon.

Mother Lily nag-aaral magluto

Belated happy birthday kahapon kay Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. Ibinulgar ni Mother sa birthday niya ang bagong hobby, ang pagluluto.

Huwag tayong magulat kung makikita natin si Mother na nakasuot ng chef uniform dahil nag-aaral siya na magluto. One of these days, baka si Mother na ang magluto ng mga pagkain sa mga event na idinaraos sa Imperial Palace Suites.

                                     

vuukle comment

DR. VICKI BELO

ENRIQUE IGLESIAS

HERITAGE PARK

IMPERIAL PALACE SUITES

JENNIFER LOPEZ

MANG DOLPHY

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with