^

PSN Showbiz

Sirang bigas para sa mga nasalanta iimbestigahan

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sisiyasatin ni Anthony Taberna ngayong Lunes (Aug. 13) sa XXX ang inirereklamong sirang bigas na nabili ng Taguig City government mula sa isang supplier na accredited ng National Food Authority.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig, sira at hindi na makain ang bigas na ibinenta sa kanila na ibibigay dapat nila sa kanilang mga mamamayan na biktima ng baha. 

Habang inaalam ni Anthony ang puno’t dulo ng reklamo ay isisiwalat naman ni Julius Babao ang isa na namang bagong modus operandi na nambibiktima ng mga negosyante. 

Natiktikan ni Julius na ang siste ng mga kawatan ay oorder ang mga ito ng produkto sa umaga at babalikan para bayaran ’pag sapit ng hapon gamit ang isang pekeng tseke.  

Nakausap ni Julius ang isang negosyante sa Cubao na natangayan ng kalahating milyong piso dahil sa modus operandi na ito. Hindi na rin mabeberipika ng mga negosyante kung tunay ang tseke sapagkat sarado na ang mga bangko sa mga oras na iyon. 

Samantala, kukumustahin naman ni Pinky Webb ang isang grupo ng mga kabataang menor de edad na tinaguriang “jumper boys” na naaktuhan ng XXX noong Abril na nagsasampa sa naglalakihang trucks sa kahabaan ng C2 road sa Tondo, Maynila para makanakaw ng anumang bagay na maaaring pagkakitaan.

Kukumustahin ni Pinky ang kalagayan nila. Tunghayan ang buong ulat sa XXX pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN o panoorin ng mas maaga sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26) ng 9:15 p.m.

vuukle comment

ABRIL

ANTHONY TABERNA

AYON

BANDILA

CUBAO

JULIUS BABAO

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PINKY WEBB

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with