^

PSN Showbiz

Rhian at Jennylyn nag-uunahan kay Sen. Bong

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Nasa Bicol si Jennylyn Mercado ngayong araw para sa live coverage ng opening ng GMA 7 station sa Legaspi City, Albay kasabay ng Ibalong Festival doon.

Mapapanood ito sa H.O.T TV mamayang hapon pagkatapos ng Manny, Many Prizes. May mga kuwentong kababalaghan siyang makakalap doon na mapapanood din sa H.O.T TV.

Bukod pa run, iinterbyuhin ni Jennylyn sina Mikael Daez at Andrea Torres na bida sa bagong afternoon drama ng GMA 7 na Sana’y Ikaw Na Nga.

PAK: Totoo kayang sina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos ang dalawang leading lady ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa nilulutong serye na pang GMA Telebabad na Indio?

Ang dinig namin, naghahanap pa sila ng isa pang leading lady na makakasama ni Sen. Bong.

Malaking paghahanda ang ginagawa rito ng GMA 7 na gagastusan ng husto para sa bago nilang epicserye.

BOOM: May mga nagpaparating sa amin ng kuwentong madalas ngang nagkikita sina Lovi Poe at Jake Cuenca sa kanilang condo unit, kasi magkalapit lang sila ng unit.

Hindi naman ito itinatanggi ng aktres dahil close naman talaga sila ni Jake. Inaamin naman niyang ang young actor ang pinakamalapit sa kanya ngayon bilang kaibigan.

’Yung mga nagkukuwentong madalas silang nakikitang magkasama, baka guni-guni lang daw nila ’yun dahil pareho naman silang abala sa kanilang trabaho.   

Incidentally, sa Aug. 22 na ang showing ng pelikulang Guni-Guni ni Lovi kasama si Benjamin Alves. Pero magkakaroon muna ng premiere night sa Aug. 21 na gaganapin sa SM Megamall sa Mandaluyong City. Sisipot kaya si Jake para suportahan ang malapit sa kanyang aktres?

vuukle comment

ANDREA TORRES

BENJAMIN ALVES

BONG REVILLA

IBALONG FESTIVAL

IKAW NA NGA

JAKE CUENCA

JENNYLYN MERCADO

LEGASPI CITY

LOVI POE

MANDALUYONG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with