^

PSN Showbiz

Baka makasira raw sa kredibilidad bilang kongresista Lucy hindi bagay na tsismosa at intrigera

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Marami pala ang hindi favor sa pagkakasali ni Congresswoman Lucy Torres sa talk show na Ang Latest ng TV5 na sadly ay hindi ko pa napapanood.

“Hindi siya bagay maging tsismosa. Ipaubaya na niya ‘yan sa mga hindi pulitiko. Masisira ang credibility niya diyan,” comment ng isang showbiz observer.

“Lifestyle and public service show ang bagay sa kanya. ‘Wag na siyang makigulo sa mga nang-iintriga,” dagdag ng kausap ko.

Actually, may punto naman ang comment tungkol sa magandang kongresista. Wala nga naman sa character niya ang pagiging tsismosa at intrigera. Hindi rin bagay sa kanyang hitsura.

Baguhang aktor pinagawa nga ang ngipin

Ay totoo palang ginawa ang ngipin ng isang baguhang aktor. Pero ang nagpagawa, ang kompanyang ie-endorso niya.

Marami kasing nakapansin na hindi maganda ang pagkakagawa ng ngipin ng aktor na halatang conscious na conscious sa tuwing magsasalita.

P-Noy at Shalani hindi nagbatian

Walang photo na magkasama sina Pangulong Noynoy Aquino at Valenzuela councilor Shalani Soledad-Romulo. Ang rason ng isang taga-Malacanang hindi naman daw pala nagbatian ang dalawa sa Gen. T. de Leon Elementary School kahapon nang mamigay sila ng tulong sa mga hinagupit ng habagat.

Kung sabagay walang rason mag-usap sila pero binati naman daw ng presidente ang kanyang ex girlfriend nang magsalita ito. “Batiin ko lang muna si Mayor Sherwin (Gatchalian), si Vice Eric (Martinez), siyempre ang konsehal nating si Shalani,” sabi ng presidente sa speech.

Happily married si Shalani kay Cong. Roman Romulo no.

Lovi nasasarapan ’pag nananakot

Magsasabog na naman ng kakaibigang lagim, katatakutan at misteryo ang tinaguriang Horror Princess ng local movies na si Lovi Poe sa Guni-Guni mula sa Regal Entertainment, Inc.

Swak na swak kasi sa multi-awarded actress ang role ng isang medical student na may lihim na itinatago na sa tuwina’y bumabagabag sa kanyang utak at damdamin.

‘‘I’m glad I accepted the role. May pagka-psycho kasi ang dating at talagang nakakatakot. Hindi ito simpleng horror film na ang objective is to scare people. Of course, meron ding scenes na ganoon pero ibang-iba ito. Pati nga ako mismo, natakot nang lagyan ng special effects ’yung movie,’’ pahayag ni Lovi sa bagong project.

Although nakagawa na rin ng ilang horror films, tumatak sa tao ang ginawa niyan sa Aswang na sur­­prise hit movie last year. Naging daan ang movie upang muli siyang pagkatiwalaan ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde at mabansagan siyang Horror Princess!

‘‘That’s fine with me! At least, my title! Ha! ha! ha! But I think, this is much, much better than Aswang in terms of story, conflicts at siyempre, ’yung nakakatakot na scenes. I don’t know nga kung bakit gustung-gusto kong gumawang horror movie! May be because ang sarap manakot! Ha! ha! ha!’’ katwiran in Lovi.

Of course, hindi mabibigo ang followers ni Lovi na muling masaksihan ang alindog niya sa movie. Pumayag siyang makipaglampungan sa baguhang actor na si Benjamin Alves.

‘‘It’s part of the story. Hindi lang basta inilagay doon. Relax naman while we were shooting the scene. He plays my ex boyfriend na binabalikan ako. Basta, he’s a sweet guy!’’ sambit ng aktres sa kapareha.

Naganap sa isang boarding house ang kahindik-hindik na mga eksena sa Guni-Guni. Bawat boarder ay may kani-kanilang kahapon na patuloy na tumuugis sa kanilang konsiyensiya.

Mula sa direksyon ni Tara Illenberger, kasamang mananakot ni Lovi sina Empress, James Blanco, Julia Clarete, Ria Garcia, Gerald Pesigan, Neil Ryan Sese, Jamie Fabregas, at Gina Alajar.

                                                   

vuukle comment

ANG LATEST

ASWANG

BENJAMIN ALVES

HORROR PRINCESS

LOVI

LSQUO

SHALANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with