^

PSN Showbiz

'Pagtataksil' nina John Lloyd at Angelica, limot na!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Wala na marahil pakialam sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban kung mapatotohanan ba nila o hindi na hindi ang relasyon nila ang dahilan ng break up ng aktres sa kanyang ex na si Derek Ramsay.

Ngayon ko napapatotohanan na napaka-short ng memory ng tao. Wala na sa kanila ang galit sa naging paghihiwalay ng dalawa, galit kay Angelica, at maging kay Lloydie, at simpatiya kay Derek sa sinasabing “pagtataksil” sa kanya ng kanyang ex gf.

Mabuti naman kung totoo, para sabay-sabay na silang makapag-move on.

Maja ayaw ng triathlon

Tsk. Tsk. Tsk. Nakakahinayang na hindi pala nagtagal ang relasyon nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli. Pero huwag kayong magagalit kay Mat­teo dahil walang third party na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Nawawalan lang ito ng panahon kay Maja dahil abala ito sa kanyang sport. Hindi na car racing kundi triathlon. Yes, may bagong sport si Matteo na tatlong sport ang involved, running, biking at swimming.

In fairness, inaya naman niya si Maja pero hindi ito makakaya ng panahon ni Maja. Hindi naman niya akalain na sa pagtanggi niya ay tuluyan na silang magkakalayo ni Matteo.

Mababaw na dahilan lamang ito for a break-up. Baka kapag nagsawa na si Matteo sa triathlon, balikan niya si Maja.

Patay na ba dapat para maging national artist?

Kung si FPJ ngayon lang nabigyan ng National Artist Award, hindi, kataka-taka na ma-delay din ang pabibigay nito kay Dolphy.

Bakit kaya hindi ito nagagawa ng buhay pa ang mga recipient? Kailangan kayang wala na sa mundo at namatay na ang mga binibigyan nito?

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

DEREK RAMSAY

JOHN LLOYD CRUZ

MAJA

MAJA SALVADOR

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

NATIONAL ARTIST AWARD

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with