^

PSN Showbiz

'Baby' ni AiAi, kasama sa pakikipag-areglo kay banker sa 'Deal'

- The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Isang riot ang naghihintay sa inyo ngayong Sabado (July 28) sa Kapamilya Deal or No Deal dahil haharapin ni comedy concert queen Ai Ai Delas Alas ang tensyon ng pagbubukas ng briefcases at pakikipag-areglo kay Banker.

Bagamat medyo pa-demure at pa-sweet ang beteranang komed­yana dahil nasa set ang kanyang special someone para suportahan siya ay hindi pa rin napigilang maaliw at mapatawa niya ang studio audience sa kanyang mga hirit.

Sa bandang huli ng laro ay lalamunin na nga si Ai Ai ng tensyon lalo pa’t papalapit na siya ng papalapit sa P2 milyong jackpot.

Siya na kaya ang pinakaunang milyonaryo para sa edisyong ito? Suwertehin kaya siya sa laro lalo pa’t nariyan ang lalaking nagsisilbing inspirasyon niya sa ngayon? Makuha kaya ni Ai Ai o ni Banker ang huling halakhak?

Huwag palalampasin ang Kapamilya Deal or No Deal ngayong Sabado (July 28), pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.

vuukle comment

AI AI

AI AI DELAS ALAS

BAGAMAT

HUWAG

ISANG

KAPAMILYA DEAL

NO DEAL

PATROL WEEKEND

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with