^

PSN Showbiz

Nakakabiyahe pa ng libre kaya kinaiinisan; dahil sa Bibliya, female host kasundung-kasundo ng sikat na celebrity

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK : Nang napanood ni Kuya Boy Abunda ang rough cut ng indie film na prinodyus nito, ang Intoy Syokoy ng Kalye Marino na entry sa New Breed category ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, si LJ Reyes ang pinuri niya nang husto dahil nagalingan siya rito nang husto.

Ang isa pa sa nagulat siyang magaling pala ay si Joross Gamboa na medyo alanganin pa naman siyang kunin ito noong una. Akala niya ay nagpapa-cute pa rin si Joross, at medyo pasaway ang dating sa kanya. Pero ipinakita ni Joross ang pagiging professional at hindi ito nagrereklamo sa mga mahihirap niyang eksena.

Malakas ang laban ni Joross dito para sa Best Supporting Actor category, pero ayaw umasa ng aktor. Tama na raw na napansin at pinuri siya rito bilang si Bertong Baka.

Mamayang 6:00 p.m. na ang gala night ng Intoy Syokoy sa Kalye Marino na gagawin sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP.

PAK: Tuwang-tuwa si Jessa Zaragoza na kinuwento sa amin na si Dingdong Avanzado raw ang gumawa ng isang cut sa bagong album niyang Pag Wala na ang Ulan under GMA Records.

Ayoko Na ang title para sa kanyang album na ikinaintriga namin bakit iyun ang ginawa ng kanyang asawa.

Malayo naman daw sa mga pinagdaanan nila noon, pero inamin ng singer/actress na dumating daw talaga sa puntong ayaw na niya sana talagang ipaglaban pa ang relasyon nila ni Dingdong pero malaking bagay daw ang pagkakaroon nila ng spiritual adviser kaya nalagpasan nila ito.

May isang cut pa si Jessa sa kanyang album na Buti Na Lang at doon na raw siya relate na relate dahil buti na lang at hindi siya bumitaw, ipinaglaban nito ang matagal na pinagsamahan nila ng kanyang asawa.

BOOM: Hindi lang kami sure kung inggit o irita ang nararamdaman ng ilang taong malapit sa isang sikat na male celebrity dito kay female TV host.

Lagi na raw kasing nakadikit si female TV host kay sikat na male celebrity kaya kahit saan ito magpunta at kasama siya.

Kamakailan lang ay kasama pa siya sa bakasyon ni male celebrity kasama ang buong pamilya nito.

Na-cover niya ang lahat na ginawa ni male celebrity kaya siya ngayon ang kinaiinggitan ng ibang taong malapit kay male celebrity.

Paano ba naman, type na type ni male celebrity ang pagiging relihiyosa ni female TV host. Kahit saan daw magpunta ngayon si female TV host may bitbit itong Bible na ikinatuwa ni male celebrity. Kaya magkasundung-magkasundo raw sila sa pagba-Bible study na hindi ginagawa ng ilang taong malapit dito kay male celeb.

vuukle comment

AYOKO NA

BERTONG BAKA

BEST SUPPORTING ACTOR

BOY ABUNDA

BUTI NA LANG

INTOY SYOKOY

JOROSS

KALYE MARINO

MALE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with