^

PSN Showbiz

Wil Time ni Willie iniksian na, bawal na ring mag-overtime

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

‘Katuwa ang presscon ng TV5, kung saan, ini-launch ang mga bagong shows nilang Third Eye, Enchanted Garden at Artista Academy. Ang da­ming artista sa venue ng presscon/launching, kaya lang nag-alisan agad.

Agad nawala sina Cesar Montano, Marvin Agustin at Ruffa Gutierrez. Absent sina Rufa Mae Quinto at Edgar Allan de Guzman na parehong may sakit. Hindi na rin namin nakita sina Daniel Matsunaga at Zoren Legaspi.

Anyway, starting July 30, may pagbabago sa primetime block ng TV5, papasok ang Enchanted Garden ng 6:30 pm., bago ang Wil Time Bigtime na one hour and a half na lang at susunod ang Artista Academy. Sanay sa mahabang oras ng kanyang show si Willie Revillame, sana nga hindi siya mag-overtime para pumasok sa oras ang AA.

Mag-a-active na pala uli sa showbiz si Snooky Serna at ngayong araw nga, pipirma siya ng panibagong kontrata sa Regal Entertainment. Suwerte si Snooky na hindi nagsasawa sa pagtulong at pag-alalay sa kanya si Mother Lily.

BB hindi kinontrata ng TV5

Sina Meryl Streep sa Devil Wears Prada at si Heidi Klum sa Project Runway ang peg ni BB Gandanghari sa role niyang si Michiko sa Enchan­ted Garden, kaya makikita sa kanya ang taray ng dalawa.

Tinanong ng press si BB na mabuti’t pumayag siyang gumanap na kambal si Zoren Legaspi sa eco-serye ng TV5 at ang sagot ay “Why not? Guwapo naman si Zoren, pero wala pa kaming scene together. It should be fun and exciting ‘pag may eksena na kaming magkasama,” sabi ni BB.

Walang exclusive contract sa TV5 si BB, pero dahil ang network ang may magandang offer, dito muna siya. Sa tanong kung magkano ang talent niya sa Enchanted Kingdom, sapat lang daw at ikinatutuwa niya.

Napag-usapan ang kanyang love life, sabi ni BB, na-feel na niya ang enchanted evening sa kanyang mga ex (sino kaya?), pero hindi pa niya nahahanap ang hari ng kanyang puso. “Andyan lang siya sa tabi-tabi, maghahanap ako ng partner dahil ayaw kong tumandang mag-isa,” banggit ni BB.

Sa Monday, July 30, 6:30 pm., ang pilot ng Enchanted Garden sa direction nina Joel Lamangan, Eric Quizon at Bb. Joyce Bernal.

Anak ng aktor nasakripisyo para sa kanyang image

Magsi-celebrate ng birthday ang anak ng isang showbiz couple, bibigyan ng party ang bagets ng kanyang parents sa isang pizza parlor. Pero nag-sorry ang aktres na hindi niya maiimbita ang mga kaibigan sa press. Pamilya lang nila ng aktor na ama ng kanyang anak ang imbitado sa children’s party.

Ingat ang showbiz couple na makunan sila ng litratong magkasama at lalo na ‘pag kasama ang kanilang anak dahil hindi makakatulong sa image ng actor. Suwerte ang aktor dahil iniintindi siya ng aktres at ng pamilya nito na hindi siya muna makapagpakita ng care sa anak habang mainit pa ang kanyang career.

Mabuti na lang at hindi pa naiintindihan ng bagets kung bakit hindi siya maisama ng ama sa mga lakad nito, gayung kaya siyang dalhin ng ina sa taping at mga guesting nito.

May magandang kuwento ang aktres sa anak, pinapanood ng bata ang soap ng ama at ‘pag nakikita ang aktor, excited ang bata na tinatawag ng “daddy” ang ama at ‘pag hindi na eksena ng aktor, panay ay “wala na daddy” ang sabi.

Ayon sa aktres, hindi siya martir, iniintindi lang niya ang sitwasyon ng aktor.

Fabio Ide magiging Kapamilya na

Isa-isang nawawala sa GMA 7 ang Brapanese na kinuha dati ng network. Bumalik na raw sa Brazil si Akihiro Sato, si Daniel Matsunaga ay nasa TV5 na at si Fabio Ide, baka lumipat sa ABS-CBN.

May meeting kahapon ang manager ni Fabio sa ABS-CBN at kung walang magiging problema, baka sa mga show ng Kapamilya Network na mapapanood si Fabio. Ito rin yata ang binanggit ni Fabio sa Twitter na malaking pagbabago sa kanyang career.

vuukle comment

AKIHIRO SATO

ARTISTA ACADEMY

DANIEL MATSUNAGA

ENCHANTED GARDEN

FABIO

FABIO IDE

KANYANG

SIYA

ZOREN LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with