^

PSN Showbiz

Paulo kinukulang na ang sustento sa anak, LJ ayaw nang magsalita

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Isa sa interesado kaming abangan sa hanay ng pelikulang kalahok sa New Breed category ng Cinemalaya Independent Film Festival ay itong Oros ni Paul Sta. Ana.

Ibang-iba ang look dito ni Kristoffer Martin na kahit ang guwapo ng mukha ay nag-blend ito sa squatter’s area na kinunan ng buong pelikula.

Kaya kakaibang challenge ito sa kanya lalo na’t nadadala rin daw siya sa galing ni Kristoffer King.

Sa July 23 ang gala night nito na gaganapin sa Cultural Center of the Philippines Main Theater.

PAK: Iritang-irita na ang buong staff sa baguhang actress/TV host na anak ng isang kilalang magaling na aktres dahil sa sobrang kaartehan nito sa trabaho.

Mati-take naman nila kung mag-iinarte itong si baguhang actress/TV host kung magaling at alam ang ginagawa niya. Pero iisang linya lang ang spiel nito, paulit-ulit pang ginagawa dahil hindi niya magawa ng maayos kahit meron pang teleprompter.   

Panay pa ang reklamo nito bakit ’yun lang ang gagawin niya. Hindi naman kasi siya marunong sa hosting at walang kabuhay-buhay mag-perform.

OA pa ang demands ng manager niya kapag kasali ito sa show, na nakakadagdag pa ng problema sa production.

BOOM: Ayaw sagutin ni LJ Reyes ang naglalabasang intrigang nagkukulang na si Paulo Avelino sa pagbigay ng sustento sa kanilang anak.

Pagdating sa kanilang relasyon ay tikom ang bibig ng aktres dahil aware siyang hindi puwedeng pag-usapan kay Paulo ang tungkol sa kanilang anak at sa pakikipagrelasyon sa kanya.

Kahit ilang beses nang tinatanong si LJ tungkol sa ’di man lang nabanggit sila ng kanilang anak na si Aki sa acceptance speech ni Paulo nang manalo itong best actor sa Gawad Urian, ayaw pa rin niyang sumagot.

Mas mabuting abangan na lang daw ang sexy production number niya sa victory party ng FHM bukas at ang kakaibang role na ginampanan niya sa Intoy Syokoy ng Kalye Marino na entry din sa New Breed category sa Cinemalaya.

vuukle comment

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES MAIN THEATER

GAWAD URIAN

INTOY SYOKOY

KALYE MARINO

KRISTOFFER KING

KRISTOFFER MARTIN

NEW BREED

PAUL STA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with