^

PSN Showbiz

Kapuso star buntis, Amy Perez magkaka-anak uli sa kinakasama

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

May Kapuso female star daw na buntis at bukas sa Showbiz Central ito aamin ng kanyang kondisyon. Buntis din daw si Amy Perez at baka i-announce rin ito sa Paparazzi. Sino naman kayang buntis sa ABS-CBN na ipantatapat sa pagbubuntis ng TV5 at GMA 7 star?

Kung totoong buntis si Amy, third child na niya ito at pangalawang anak sa partner niya ngayon. Sana naman, dinggin na ng Korte at ng ex-husband ni Amy ang matagal na nitong kahilingan na ma-grant na ang annulment para makapagpakasal na sila ng partner ngayon.

Maxene at Bubbles totoong may away

Next week na ang presscon ng Faithfully na isa sa mga bida ay si Maxene Magalona. Masasagot na ng young actress ng personal ang maraming isyu na kanyang kinasasangkutan.

Isa na rito ang away daw nila ni Bubbles Paraiso sa Boracay dahil mas pinili ni Bubbles na i-friend ang ex ni Maxene na si Neil Arce gayung mas nauna niyang naging friend si Maxene.

May tanong din ang press sa pagtatapos ng relasyon nila ni Neil at kung totoong nagalit siya sa kapatid niyang si Frank Ma­galona dahil hanggang ngayon, kaibigan pa rin ng kapatid ang ex.

Nakatutuwa sina Maxene at mga kapatid dahil lahat sila may soap sa GMA 7. Si Elmo Magalona may Together Forever, si Arkin nasa Luna Blanca, at sina Frank at Saab, magkasama sa isang afternoon soap. Ang bunsong si Clara na lang yata ang wala pa sa showbiz at sabi ni Frank, walang sibling rivalry ang mga Magalona.

Edgar Allan nawalan ng ka-alternate Paulo nag-back out sa stage play dahil sa billing?!

Out na si Paulo Avelino sa stage play ng PETA, ang stage adaptation ng award-winning movie ni Nora Aunor na Bona. Wala nang ka-alternate kung ganoon si Edgar Allan Guzman bilang lead actor sa play kasama si Eugene Domingo.

Kinailangan na mag-back out ni Paulo dahil busy sa Walang Hanggan at ginagawa ang Guni-Guni sa Regal Entertainment, Inc.

Ayon naman sa PETA, kaya nila kinuha sina Paulo at Edgar Allan para mag-alternate at para hindi nasisira ang bawat schedule ng dalawa.

Ang nadinig namin, billing ang totoong rason ng pagba-back out ni Paulo sa Bona. Ni-request kasi ng kampo ni Paulo ng better billing, bigger ang font ng name sa billing kesa kay Edgar Allan na ayaw paniwalaan ng kanyang manager na si Noel Ferrer dahil friends sila ni Leo Dominguez. Pero hindi nga raw pumayag ang PETA dahil may rules silang sinusunod na pantay-pantay ang font at size ng mga pangalan ng mga lead stars sa billing.

Nagpahayag naman si Direk Soxie Topacio ng tiwala kina Eugene at Edgar Allan na makakayang itawid ang 30 performances ng Bona na sa August na mapapanood.

Wynwyn nakikiramdam pa sa ama bago ipakilala ang BF

Kontrabida uli si Wynwyn Marquez sa One True Love at si Louise delos Reyes ang kanyang aawayin. May eksenang sasampalin niya si Louise pero bago gawin, magpapaalam muna siya rito. Natatakot siyang mapalakas ang sampal niya dahil volleyball player siya.

First primetime soap ni Wynwyn ang One True Love, okay lang sa kanyang maging bad pero kung bibigyan ng chance ng GMA 7, gusto rin niyang magbida.

Girlfriend ni Lucho Ayala ang role ni Wynwyn, in real life, may non-showbiz boyfriend siya na ipinagpaalam niya kay Alma Moreno, pero hindi pa sa amang si Joey Marquez dahil baka awayin. Pakikiramdaman muna niya ang ama bago ipakilala ang guwapo at may trabahong BF.

Samantala, gulat pa rin si Wynwyn sa pagtakbong senador ni Alma at dahil nakikita niyang masaya ang ina sa desisyon, susuportahan niya ito.

“She’s very strong and very determined,” patungkol nito kay Alma.

vuukle comment

ALMA MORENO

AMY PEREZ

BUBBLES PARAISO

DAHIL

DIREK SOXIE TOPACIO

EDGAR ALLAN

MAXENE

ONE TRUE LOVE

PAULO

WYNWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with