^

PSN Showbiz

Anne hindi nakapalag nang makasakay sa elevator ang ex wife ni Brad Pitt

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagso-shooting nga pala ng pelikula sa Amerika si Anne Curtis kaya siya umalis ng bansa. Kahapon ay nag-tweet siya : “On my way to the set! Looks like its going to be another long night! Im always so excited though! #BloodRansom”

Balita na ang Filipino-American na si Francis dela Torre ang director ng Blood Ransom.

Ang nasabing director din ang nakatrabaho ni Jericho Rosales sa Hollywood movie na Subject: I Love You.

Samantala, kilig na kilig si Anne nang makasakay niya sa elevator ang Hollywood actress na si Jennifer Aniston. “And I just shared an elevator with Jennifer Aniston!!! OMG! I was speechless!!! As in isang malambot na ‘Hi’ lang nasabi ko!!!!,” sabi niya sa Twitter.

Arci hindi na naman natuloy sa Miss World

Iprinisinta na ang 25 opisyal na kandidata na maglalaban para sa titulong Miss World Philippines 2012 na sa TV5 na eere.

Bago ang nasabing presentation na ginanap sa Manila Hotel, maingay ang isyu na kasali raw sa 25 candidates ang Kapatid actress na si Arci Muñoz. Pero walang rumampang Arci sa nasabing press presentation.

Ayon kay Ms. Cory Quirino, naglibot sila sa buong bansa para makapamili ng mga kandidata.

Dagdag pa ni Ms. Quirino, mas pinabongga ang presentation ngayong taon. Last year ay sa GMA 7 napanood ang Ms. World.

Mukhang mga magaganda naman ang mga kasali pero may accent sila at obviously galing sa ibang bansa ang mga ibang nakapasa na ayon sa Ms. World organizers ay namili sila base sa talino, ganda, poise, at kawang-gawa. Ang motto ng Miss World Philippines na Beauty in Giving ay nagbibigay diin daw sa adbokasiya ng Miss World na Beauty with a Purpose. Layunin nito na tulungan ang kapus palad na kababaihan at kabataan sa mundo.

Ang mga kandidata ngayong taon ay ang mga sumusunod: Kaye Wigand, Vanessa Claudine Amman, Rosheila Tungol, Mariz Ong, Carla Terina Lizardo, Paula Rich Bartolome, Maria Teresita Alaine Baccay, Maham Ahmed, Rizzini Alexis Gomez, Larah Grace Lacap, Vania Valeri Vispo, Paulina Eliseeff, Maryanne Ross Misa, Mariver Ocampo, Daphne Tanya Molenar, Brenna Cassandra Gamboa, April Love Jordan, Rufaida Babudin, Marie Loraine Dione de Guzman, Kaye Michelle Agnes, Fer Mary Baliquig, Queenierich Rehman, Lara Lee Sarino, Natacha Peugniez, at Maria Danna Javier.

Dumalo rin sa launching ang Miss World 2011 First Princess na si Gwendoline Ramos Ruais.

“We are very excited about this year’s staging of Miss World Philippines,” saad ni Ms. Quirino. “With the help of TV5, we were able to travel all over the country in search of ladies who can best represent the Philippines and the Miss World cause. This gives us a better chance in winning the Miss World crown this year,” dagdag pa niya.

Ang Coronation Night ay gaganapin sa makasaysayang Manila Hotel at mapapanood ng live mula sa Manila Hotel Tent sa Hunyo 24, 8:30 PM sa TV5.

Carlene kakausapin si Dennis tungkol kay Bianca

Hindi naman affected si Carlene Aguilar kung parati mang name-mention ang anak nila ni Dennis Trillo na si Calix sa tuwing pag-uusapan ang tungkol sa relasyon ng ama ng kanyang anak at girlfriend nito ngayong si Bianca King.

Pero kakausapin pa rin ni Carlene ang ex para bawas-bawasan ang pagbanggit sa kanilang anak ang hindi na sana kailangan.

Kung sabagay sabi nga ni Carlene, madalas magkasama lately ang mag-ama dahil walang masyadong ginagawa si Dennis. So may time ito sa kanilang anak.

Anyway, kasama si Carlene sa pinakabagong drama series ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Alden Richars at Louise delos Reyes na One True Love na mapapanood na simula sa Lunes.

Magsisimula ang kuwento kay Ellen (Louise) na isang hardworking janitress na nagkagusto sa isang matagumpay na negosyante na may-asawa.

Ang hindi alam ni Ellen, hindi seryoso si Carlos sa kanyang napangasawa at na-realize lang niya ito nang mabuntis niya ang napangasawa.

Pero pumayag pa rin si Ellen bilang in love nga siya hanggang madiskubre sila ng asawa ng lalaki.

Maiinit ang mga ginawang eksena rito ng magka-loveteam na hindi sila nagdalawang isip na gawin dahil feel nilang malaking hamon ito sa kani-kanilang career.

Dinirek ni Andoy Ranay ang One True Love at mapapanood ito right after Makapiling Kang Muli.

vuukle comment

CARLENE

JENNIFER ANISTON

MANILA HOTEL

MISS

MISS WORLD

MISS WORLD PHILIPPINES

MS. QUIRINO

MS. WORLD

ONE TRUE LOVE

WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with