^

PSN Showbiz

DZMM pinagkakatiwalaan sa listahan ng READER'S DIGEST

-

MANILA, Philippines - Nakamit ng DZMM Radyo Patrol 630 ang Gold Stan­dard Trusted Brand award sa radio category ng   Reader’s Digest Trus­ted Brands 2012 noong Mayo 31.

Ayon sa ABS-CBN Manila Radio Division head na si Peter Musngi, ibinabahagi ng DZMM ang pagkilala sa himpilan bilang isang “trusted” o pinagkakatiwalaang brand hindi lamang sa anchors at production staff kung hindi sa mga tagapakinig nito.

“Talagang matamis itong unang pagkakataong kinilala kami bilang isang ‘trusted brand’ mula sa tanyag na Reader’s Digest.

“Napakagandang pagkilala sa atin nito,” aniya. 

Ang DZMM ang numero unong himpilan ng radyo sa buong bansa at nangungunang cable news and commentary channel na kilala rin sa mga proyektong nagbibigay ng serbisyo sa publiko. Kabilang ang DZMM sa mahigit 40 kumpanyang kinilala ng magazine mula sa walong bansa sa Asya. Sa nakalipas na 14 taon, nagbibigay ng pa­rangal ang Reader’s Digest sa mga produkto o serbisyong pinaka-tina­tangkilik at pinaka-pinagkakatiwalaan ng marami batay sa isang taunang consumer survey.

vuukle comment

ASYA

AYON

DIGEST TRUS

KABILANG

MANILA RADIO DIVISION

NAKAMIT

PETER MUSNGI

RADYO PATROL

TRUSTED BRAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with