^

PSN Showbiz

Male TV host nahuhumaling sa aktor na may ka-love team

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Nagmumukhang stalker ang isang male TV host ng isang actor. Halos lahat yata ng galaw ng aktor, nasusubaybayan ng male TV host na nagagawa ng male TV host dahil pareho silang nasa Twitter.

Hindi obvious ang kaberdehan ng dugo ng TV host pero marami na ang nakakapansin ng kanyang pagkahumaling sa aktor na may ka-love team.

Nauna nang nagkita ang dalawa sa abroad at ayon sa isang kaibigan ng male TV host, maliga­yang-maligaya raw ang friend nang magkita sila ng aktor.

Iwan lang kung separado na ang TV host dahil noon ay nababalitang pamilyado siya.

Trailer ng Bourne… pinagpiyestahan ng mga pinoy

Lumabas na ang official trailer ng The Bourne Legacy na mara­ming eksena ang kinunan sa bansa.

Impressive ang trailer, but sadly kitang-kita ang ilang lugar sa Manila na panget.

Sana nga sa kabuuan ng pelikula ay hindi lang ang panget na part ng Metro Manila ang makita.

Meron namang mga eksena na sa Palawan kinunan, pero muk­hang mas na-capture ang mga action scenes na kinunan nga sa Manila area.

Dahil nakita ang mga eksenang kinunan sa bansa naging hot topic sa twitter kahapon ang nasabing trailer ng Hollywood film starring Jeremy Renner na palabas na sa August 3.

Jessica hataw habang hindi pa naooperahan si Phillip Phillips

Habang nagpapagaling ang winner ng Season 11 ng American Idol na si Phillip Phillips, si Jessica Sanchez muna ang nagpo-promote ng programa. Ooperahan na naman kasi si PP sa kidney, pang-siyam na operation na niya ito.

Kahapon ay nag-guest si Jessica sa Today Show. Kinanta na naman niya ang I Will Always Love You at ang And I’m Telling You I’m Not Going.

Ininterbyu siya ng host ng programa na si Matt Lauer.

So para lang itong beauty contest na dahil hindi puwede ang title holder, siya muna ang isasalang ng American Idol.

At least tuloy ang career niya hindi man siya nanalo.

Balik-ASAP!

Kasabay ng pagbabalik-eskwela ng mga estudyante, magbabalik din si Popstar Sarah Geronimo sa concert stage ng ASAP 2012 ngayong Linggo (Hunyo 3) para sa isang espesyal na pagbisita handog ang bagong sorpresang production number kasama ang rapper na si Gloc-9 at ASAP Pinoy Champ Jovit Baldivino.

Bukod kay Sarah, magdadagdag aliw din sa back-to-school party ng ASAP 2012 ang cast ng pinakainaabangang comedy film ng taon na Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme na pa­ngungunahan nina Eugene Domingo, Zanjoe Marudo, Kiray Celis, Ryan Bang, Ariel Ureta, at Moi Marcampo; mga latest evictee ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 na sina Kit, Claire, Nikka, at Vince; at ang pinakatinitiliang teen love teams ngayon kabilang sina Kathryn Bernardo at Enrique Gil ng Princess and I, Miles Ocampo at Marco Gumabao ng Luv U, at sina Ella Cruz at Paul Salas ng Aryana. Magdadagdag-kilig naman ang American alternative rock band na This Century.

Kilig overload ang ihahandog ng Kapamilya hunks na sina Luis Manzano, Jake Cuenca, Joseph Marco, at Jubail Andres; samantalang women domination naman ang hatid ng kinahuhumalingang Kapamilya leading ladies na sina KC Concepcion, Kim Chiu, Erich Gonzales, Nikki Gil, Shaina Magdayao, Maja Salvador, Empress, Iya Villania, at Anja Aguilar na maghahandog ng lumalagablab na back-to-back dance numbers.

World-class talent naman ang ipamamalas ni Gary Valenciano sa panibagong kuwento ng inspirasyon para sa TV viewers sa With Love, Gary V. na susundan ng isang makatindig balahibong production number kung saan makakasama ni Mr. Pure Energy ang kapwa OPM icons niyang sina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Jed Madela, Piolo Pascual, Christian Bautista, at Bamboo.

Panibagong music trend na ipapauso ng ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga sa kanyang T-Zone segment; sa pagbibigay-pugay sa music legend na Beatles nina Martin, Christian, Bamboo, Angeline Quinto at Sam Milby; at sa hindi mapapantayang ‘rock of ages’ concert experience na ihahandog nina Mig Ayesa, Vina Morales, Jett Pangan, Aiza Seguerra, Nyoy Volante, ASAP Sessionistas, at ASAP Pinoy Champs.

Samantala, hindi rin paaawat maghatid kasiyahan sa back-to-school party ang supahdancers na sina John Prats, Rayver Cruz, Gab Valenciano, Sam Concepcion at Bugoy Cariño sa kanilang ‘out-of-this-world’ dance number sa ASAP Supahdance segment.                    

                                                                                                                           

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

AMERICAN IDOL

ANGELINE QUINTO

ANJA AGUILAR

ARIEL URETA

ASAP

BOURNE LEGACY

PHILLIP PHILLIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with