^

PSN Showbiz

Anak ni Clint Eastwood bumili ng mamahaling bag bago sinunog

-

MANILA, Philippines - Isang mamahaling bag ang binili ng isang anak na babae ng aktor na si Clint Eastwood para lang sunugin habang kinukunan ng litrato.

Ayon sa ulat ng TMZ, “kasabwat” ng 19 anyos na si Francesca Eastwood ang nobyo niyang celebrity photographer na si Tyler Shields sa isinagawa nilang “krimen.”

Bida sa E! show na Mrs. Eastwood and Company ang reality TV star na anak ng beteranong actor-director.

Sinasabi pa sa ulat ng TMZ na nakatuwaan nina Francesca at Tyler na magbitiw ng malaking halaga ng pera at bilhin ang isang Hermes na handbag para masira lang nila ito.

Halagang $100,000 ang nasabing bag pero mukhang merong napakaraming pera ang anak ni Clint kaya hindi nanghinayang na sunugin ang bag. Nilagare pa nila ang bag habang nagliliyab ito.

Bakit nila ginawa iyon? Para lang makunan ng litrato (nasa itaas) ang bag habang ito ay nilalamon ng apoy.

vuukle comment

AYON

BAKIT

BIDA

CLINT EASTWOOD

FRANCESCA

FRANCESCA EASTWOOD

HALAGANG

ISANG

MRS. EASTWOOD AND COMPANY

TYLER SHIELDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with