^

PSN Showbiz

Say ni Claudine sa korte Tulfo brothers may private army!

- SEEN SCENE -

Seen :  Ang mabigat na paratang ni Claudine Barretto  na may private army ang Tulfo brothers kaya natatakot siya sa mga banta ng magkakapatid na Ben, Raffy at Erwin Tulfo.

Sinabi ni Claudine sa korte ang diumano’y pagkakaroon ng private army ng Tulfo brothers.

Scene : Hindi na gagawin ni AiAi Delas Alas ang filmfest movie nila nina Vic Sotto at Senator Bong Revilla, Jr. dahil may balita na magpapakasal sila sa December ng kanyang boyfriend na si Jed Alvin Salang.

Seen : Puwede nang magpakasal uli si AiAi delas Alas dahil matagal nang pinawalang-bisa ng korte ang bigamous marriage nila ng kanyang ex-husband na si Miguel Vera.

Scene : Absent kahapon si Ruffa Gutierrez sa Paparazzi dahil biktima siya ng food poisoning.

Si Annabelle Rama ang pumalit sa kanyang anak bilang co-host ng Paparazzi.

Seen :  Kinuha na ni Angelica Panganiban ang lahat ng mga gamit niya sa bahay ni Derek Ramsay na gumagawa ng paraan para balikan siya ng ex-girlfriend.

Scene : Sakay na sakay si Sam Pinto sa isyu na siya ang third party sa paghihiwalay nina Angelica Panganiban at Derek Ramsay.

Seen :  Umingay nang todo ang concert ni Lady Gaga sa SM Mall of Asia Arena dahil sa protest rally kahapon ng isang grupo ng kabataan na nagpakilala bilang mga miyembro ng Biblemode Youth Philippines.

Ipinoprotesta ng grupo na malaswa raw ang concert na hindi pa nila napapanood.

Scene : Hindi pinanood ni Congressman Manny Pacquiao ang announcement ng Top 2 ng American Idol noong Huwebes dahil mas mahalaga raw ang presence ni God kesa sa presence niya.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

ANGELICA PANGANIBAN

ANNABELLE RAMA

BIBLEMODE YOUTH PHILIPPINES

BONG REVILLA

CLAUDINE BARRETTO

DELAS ALAS

DEREK RAMSAY

ERWIN TULFO

JED ALVIN SALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with