^

PSN Showbiz

Derek naging ungentleman

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ayaw daw mapahiya ni Derek Ramsay ang nakahiwalayan niyang girlfriend kung kaya hindi niya sinasabi ang dahilan ng kanilang split. And yet marami ang hindi nagustuhan ang pagkukum­pirma niya ng break-up nila sa kanyang Twitter account. Dapat daw ipinaubaya na lang niya kay Angelica Panganiban ang pagkukumpirma. Kahit ano pang magagandang bagay ang sabihin niya tungkol sa ex girlfriend niya, ayaw na siyang paniwalaan ng lahat. Galit na sila sa kanya.

Oo nga naman Derek, bakit hindi mo pa ipinagkaloob sa ex mo ang pagkakataong ito?

Lovi parating nadadala kay Nora

Yung ginaling-galing umarte ni Lovi Poe ay na-intimidate pa rin pala ito kay Nora Aunor.

Hindi ko naman siya masisi. Hindi niya kilala si Nora pero alam niya ang repu­tasyon at galing nito. Natural lang na matakot siyang baka mahirap katra­baho ito. Kaya siya ang gumawa ng paraan na makilala at maka-close ito. And what she discovered ay nakagulat sa kanya. Dahil mabait ang Superstar, supportive at nadala siya sa mga eksena nila.

Mother Lily inspirado na naman

Ewan ko kung sino kina Pokwang, Ruffa Gutierrez, at Gabby Concepcion ang pinaka-enjoy na kumita ng P6M sa opening day ang The Mommy Returns. O baka si Mother Lily naman dahil nakasapol siya ng magandang kumbinasyon sa pelikula niya.

Congratulations sa kanya. Ang mga ganitong tagumpay ang kanyang ins­pirasyon para gumawa ng mas marami pang pelikula.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

AYAW

DEREK RAMSAY

GABBY CONCEPCION

LOVI POE

MOMMY RETURNS

MOTHER LILY

NIYA

NORA

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with