^

PSN Showbiz

Julie Ann masarap ang pakiramdam kapag nakikita si Dennis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Mamayang gabi na sa Hard Rock Café, Makati City ang birthday concert ni Julie Ann San Jose na 18 years old na bukas. Sina Kris Lawrence at Jay-R ang guest niya at “secret” kung guest din ang ka-love team na si Elmo Magalona.

Sulit ang presyo ng tiket dahil may loot bag ang manonood sa concert at tiniyak nilang magandang show ang mapapanood sa birthday/ thanksgiving concert sa direction ni Mark Reyes. Fifteen songs ang kasama sa kanyang repertoire at kasama rito ang ilang cuts sa ire-release niyang album.

Isa si Julie Ann sa GMA Artist Center talent na ginu-groom ng GMA 7 at honored at overwhelming daw ang feeling.

“I’m glad na binibigyan nila ako ng attention, kaya thankful ako kay Lord, sa network, sa supporters ko, at ayaw ko silang i-disappoint, kailangang galingan ko,” pangako ni Julie Ann.

Walang nagbago sa kanya ngayong 18 years old na siya’t hindi pa rin siya marunong i-drive ang new car niyang Grand Livina. Next target ni Julie Ann ang makapagpatayo ng bahay.

Nadiskubre naming crush ng bagets ay si Dennis Trillo at starstruck siya ’pag nakakasama niya ito sa production number sa Party Pilipinas at masarap ang feeling niya. Alam ng aktor na crush siya ni Julie Ann kaya ’di na magugulat ’pag nabasa.

Jennylyn isasabak sa drama kay Sid

Hindi na-interview si Jennylyn Mercado pagkatapos ng Showbiz Central kaya hindi naitanong kung ano ang birthday gift ni Luis Manzano sa kanya at kung paano sila nag-celebrate ng kanyang birthday.

Gusto rin sana naming kumpirmahin kay Jennylyn kung totoong sila ni Sid Lucero ang next na magkatambal sa afternoon drama series ng GMA 7 na My Little Sister. Panibagong tambalan ito at aabangan kung magki-click at dahil family drama, tiyak na maraming iyakan, confrontation, at kung anu-ano pa.

Kasama sa cast sina Krystal Reyes bilang special child at kapatid ni Jennylyn at si Frank Magalona. Wala pang balita kung sino ang direktor ng My Little Sister at mukhang matagal pa dahil maglu-launch na ng new afternoon soaps ang Channel 7.

Sam Oh proud sa dyowang Pinoy na rakista

 Pinabilib kami ni Sam Oh, host ng Sarap to Heart dahil ng tanungin kung may BF, “oo” agad ang sagot at pati pangalan sinabi. Ang gitarista ng Sandwich na si Diego Castillo ang boyfriend niya at kahit purong Koreana, mas feel nito ang Pinoy guys.

Ang Sarap to Heart, ang newest cooking show hosted by Sam. Sponsored ng San Marino Corned Tuna ang Sarap to Heart, three times a day napapanood sa GMA News TV: 10 a.m., 11:20 a.m., at 5:50 p.m. on weekdays; 11 a.m., 12:45 p.m., and 6 p.m. on Saturdays; at 9:20 a.m., 12:45 p.m., at 6:15 p.m. on Sundays.

Maganda ang feedback ng mga viewers sa Sarap to Heart mula nang umere last April 28. Each episode, nag-i-introduce ang cooking show ng celebrity searcher at two non-celebrity searches. Open pa ang show sa mga gustong sumali, send basic information and your photos to [email protected]

Kasama ni Sam sa reality cooking show-dating game ang kilalang culinary expert na si Chef Sau del Rosario. Siya ang owner ng Museum Café sa Makati City, Chelsea Café sa Taguig City, at Kingdom sa Angeles City, Pampanga.

Raymart balik-trabaho na

Kagabi ang presscon ng Luna Blanca at kung dumating si Raymart Santiago, tiyak na kinuyog siya ng press dahil sa kaso nila kay Mon Tulfo. Tiyak na itatanong sa kanya kung magpa-public apo­logy si Claudine Barretto sa ground crew ng Cebu Pacific na hinihingi ng ina nito. Ang latest, nag-resign na sa airline company si Charice Bocboc.

Anyway, balik-primetime si Raymart sa Luna Blanca at sila ni Camille Prats ang gaganap na ma­gulang ng kambal na sina Luna at Blanca portrayed by Jillian Ward and Mona Louise Rey, respectively. Lalaki ang dalawa at ma­gi­ging sina Bianca King at Heart Evangelista, ibig bang sabihin, patatandain sina Raymart at Camille?

Ang sleep deprived na si Do­minic Zapata ang direktor ng Luna Blanca na pilot na sa May 21, siya rin hu­mahawak ng My Beloved at Boy Pick-Up Da Movie.                                                                      

vuukle comment

JENNYLYN

JULIE ANN

KUNG

LUNA BLANCA

MAKATI CITY

MY LITTLE SISTER

RAYMART

SAM OH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with