^

PSN Showbiz

Ruffa idinemanda na ng libel ni Amalia!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Tonight ang red carpet premiere sa SM Megamall Cinema ng The Mommy Returns ng Regal Entertainment, Inc.

Bida si Ruffa Gutierrez sa The Mommy Returns at ang pag-apir niya sa premiere night ang inaaba­ngan dahil sa balita na idinemanda siya kahapon ng libel ni Amalia Fuentes sa Quezon City Justice Hall.

Nag-uunahan ang mga reporters na malaman ang panig ni Ruffa tungkol sa kaso na isinampa ni Amalia.

Suntukan at sipaan nina Claudine-Raymart at Mon Tulfo, hindi nakunan ng CCTV sa airport

Alive na alive ang showbiz dahil sunud-sunod ang mga isyu ng umbagan at demandahan.

Nandiyan ang isyu ng pambubugbog kay Albie Casiño, ang ex-dyowa ni Andi Eigenmann. Hindi lamang ang ex-lovers ang nagkaimbiyernahan ngayon dahil may word war na rin ang kanilang mga mother dear. Siyempre hindi pumayag si Jaclyn Jose na basta na lamang pagbintangan at apihin ng nanay ni Albie ang kanyang one and only daughter.

Pero kumbaga sa isang beauty contest, runner-up lamang ang kuwento ng pananakit kay Albie sa eskandalo na kinasasangkutan ngayon nina Mon Tulfo at ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Umabot na sa korte ang bugbugan na nangyari noong Linggo sa NAIA Terminal 3 dahil nagdemanda na si Papa Mon ng physical injuries at grave coercion laban sa magdyowang Santiago at sa mga katulong nito sa pambubuntal sa kanya.

Inaasahan din na magkokontra-demanda sina Claudine at Raymart, kahit lumitaw ang video na kinukuyog nila si Papa Mon.

Nanawagan sina Claudine at Raymart sa media na tulungan sila na ilabas ng airport security ang Closed-Circuit Television (CCTV) para magkaalaman kung sino ang nag-umpisa ng gulo. Nakakaloka na malaman na walang CCTV sa lugar na pinangyarihan ng insidente at ‘yung video na nakalagay sa YouTube eh last part na ng bugbugan portion. Hindi nakunan ang bahagi na sinasabi na natadyakan ni Papa Mon sa binti si Claudine kaya nagalit si Raymart. Paano pa mapapatunayan nina Claudine at Raymart ang kanilang innocence? Mabuti sana kung may kapwa pasahero na nakunan ng video ang unang bahagi ng encounter nila kay Papa Mon?

May mga tao na pinagdududahan ang sinabi ni Claudine na dalawang beses itong natadyakan ni Papa Mon kaya namaga ang kanyang binti.

Ang sabi ng mga nagdududa, wala silang nakita na pasa sa binti ni Claudine sa video na napanood nila.

Huwag na kayong magduda at magmalisya ’no? Hindi naman agad namamaga ang parte ng katawan na nabugbog, sinadya man o hindi.

Malinaw na malinaw na maga ang binti ni Claudine ng magpainterbyu siya sa TV crew na sumugod sa airport police station. Walang ipinagkaiba ang kaso niya sa mukha ni Papa Mon na namaga nang husto, ilang oras matapos maganap ang bakbakan sa airport.

Matagal pa ang itatakbo ng demandahan ng mga Santiago at ni Papa Mon. Sa rami ng mga pasahero sa NAIA 3, marami ang puwedeng tumestigo. Ewan ko lang kung magkakaroon sila ng lakas ng loob na lumantad at magkuwento tungkol sa kanilang mga na-witness na eksena.

Pero iba pa rin kung may CCTV sa airport dahil ’yun talaga ang matibay na ebidensiya, kesehodang walang witness na lumantad.

vuukle comment

ALBIE

ALBIE CASI

AMALIA FUENTES

CLAUDINE

MOMMY RETURNS

MON

MON TULFO

PAPA MON

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with