^

PSN Showbiz

Derek at Angelica, matagal nang nagkakalabuan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Magkakaiba ang kuwento tungkol sa ‘hiwalayan’ nina Derek Ramsay at Angelica Pa­ngilinan. Kailan lang, nang mag-presscon si Derek para ipakilala siya ng TV5 bilang bagong alaga ay sinabi pa niyang kasama sa plano niya sa Angelica at kung malaki man daw ang talent fee niya ay preparation na rin para sa kanila future ng actress. That was two weeks ago lang.

Pero ngayon, iba na agad ang kuwento. Inamin ni Derek na cool off sila ng actress (na may pelikula kasama si Piolo Pascual, Every Breath U Take). At ang lumalabas na rason ay may nangyari raw kina Angelica at John Lloyd Cruz habang nasa shooting sila ng pelikula nila na kinunan sa Vietnam. Kaya nga raw hiwalay na rin sila JLC and Shaina Magdayao.

May nagtsismis lang daw kay Derek na may nangyari sa da­lawa.

Sabi naman ng manager ni Derek, porke ba raw nakalimutan ni Derek na pasalamatan si Angelica sa Guillermo nang tanggapin ang trophy ng box office king, break agad. Doon kasi nag-umpisa ang lahat.

Pero balitang pinagtatawanan lang ni Angelica ang isyu habang sina JLC at Shaina ay wala pang reaction. May nagsabi namang matagal na raw nagkakalabuan sina Angelica at Derek dahil kung ok sila bakit hindi man lang nabanggit ni Derek kay Angelica noon na pipirma na siya ng kontrata sa TV5.

Teka bakit parang lumipat lang sa TV5 si Derek, may intriga agad sa kanya. 

My Chubby World Mas Pinalaki Ngayong Season

 Muling ibinabalik ng GMA Network ang educational kiddie program na My Chubby World, na mapapanood sa GMA 7 tuwing Sabado simula May 12. 

 Sa bagong season ng programa na may titulong My Chubby World Big Adventure, mas pina-chubby at ginawang doble ang excitement dahil hindi lang ito magiging ordinar­yong educational program, magiging isang challenging na race against time pa ito na susubok sa physical at mental skills ng mga kiddie contestants na dinirek ni Noel Anoñuevo. na hindi na baguhan sa pagdidirek ng kiddie program.

 Makakasama ng mga kid viewers ang dating barkada ng My Chubby World na sina Renz Valerio, Daniela Amable, Gianna Cutler, at Zyrael Jestre. Mga elementary students mula sa iba’t ibang eskwelahan ang maglalaban-laban sa big adventure na ihahatid ng programa.  Sa umpisa ng bawat episode, ibibigay ni Game Master kuya Renz Valerio ang unang clue sa magiging adventure ng mga contestants at kung saan nila mahahanap ang isang nakatagong Chubby na kailangan nilang matagpuan. 

Pag nakumpleto nila ang unang challenge, magpapatuloy naman sila sa susunod.  Bawat isang kiddie host ng programa ay naka-toka sa iba’t ibang pit stops na daraanan ng mga contestants.  Ang ‘chubby’ naman na si Zyrael ang magbibigay ng mga educational trivia na may kinalaman sa adventure na tampok sa bawat episode.

 “This new season of My Chubby World promises more fun and excitement as we take our kid viewers through different themes and different places to learn more about food, animals, history and many other interesting topics,” says Gigi S. Lara, GMA’s AVP for Alternative Productions.

Mapapanood ang My Chubby World Big Adventure simula Sabado, May 12, 2012, 8:30am sa GMA 7. Partner ng GMA ang Rebisco Foods, Inc., ang kumpanyang gumagawa ng   snack food na Chubby.

vuukle comment

ALTERNATIVE PRODUCTIONS

ANGELICA

ANGELICA PA

CHUBBY

DANIELA AMABLE

DEREK

MY CHUBBY WORLD

MY CHUBBY WORLD BIG ADVENTURE

RENZ VALERIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with