^

PSN Showbiz

Angelica nasasarapan kay Piolo, kaya ring tumira sa kili-kili ng aktor!

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - “Kaya kong tumira sa kili-kili ni Piolo (Pascual),” say ni Angelica Panganiban sa presscon ng pelikula nilang Every Breath U Take. Very vocal kasi ang sexy actress na crush niya ang actor at una ito sa mga tinatarget niya kung wala lang si Derek Ramsay.

Aminado rin siyang kinikilig siya sa aktor. “Pag nagki-kiss kami, parang pa-sweet lang. Sobrang gentleman si Papa P. Masarap lang talaga,” sa­bay tawa ng aktres.

“At saka ayaw kong umuwi talaga kapag nandiyan siya. Gusto ko tititigan ko lang siya hanggang ma-pack-up kami,” dagdag niya na nagpasa­lamat at na-nominate raw siya sa Star Awards for Movies kahit multo ang role niya sa pelikulang Segunda Mano.

 At kung puro papuri ang sinasabi ni Angelica, ganun din naman si Piolo sa actress.

“Angelica has evolved so much, hindi ka mai-intimidate sa kanya, magaling siya mag-adjust. Hindi siya maarte,” dagdag ng aktor.

At nang matanong si Piolo tungkol sa mga pinag­dadaanan niyang intriga particular na ang tungkol sa kanyang love life: “Ang meron ako ay isang pana­nampalataya sa Itaas para malagpasan ko ang lahat ng pagsubok sa buhay ko.

“Dumarating naman ‘yan (love) sa tamang panahon, pagkakataon, circums­tances,” sabi niya.

 Palabas na sa May 16 ang Every Breath U Take sa direksiyon ni Mae Czarina Cruz para sa Star Cinema.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

DEREK RAMSAY

EVERY BREATH U TAKE

MAE CZARINA CRUZ

PAPA P

PIOLO

SEGUNDA MANO

STAR AWARDS

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with