^

PSN Showbiz

Sharon pinaiyak nang husto nina Susan Roces at Helen Gamboa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kahapon ang presscon ng Sharon Kasama Mo Kapatid, ang Monday to Friday talk show ni Sharon Cuneta sa TV5. Guest kahapon si Lorna Tolentino sa Sharon pero inuna muna ang presscon. Nauna na ang guesting ko noon at si Mama Cristy Fermin ang kasama ko.

Sa May 7 pa ang pilot telecast ng Sharon Kasama Mo Kapatid. Hindi ko lang alam kung kailan ang airing ng episode namin ni Mama Cristy.        

Umapir din sa show ni Sharon ang mag-asawang Congressman Roman Romulo at Councilor Shalani Soledad-Romulo.

Maganda ang interbyu ni Sharon kina Papa Roman at Shalani na buong ningning na nag-deny na marriage for convenience ang pagpapakasal nila noong January 22.

Dahil sa tweet ng mga reporter na nagpunta sa presscon ni Sharon, mabilis na kumalat ang mga balita tungkol sa pag-iyak niya nang mabanggit ang mga pangalan nina Helen Gamboa at Susan Roces.

As of presstime, hindi pa nagkakaroon ng chance na makapag-usap si Sharon at ang kanyang Tita Helen.

Ang sey ni Sharon, nag-reach out na raw siya pero hurt pa rin daw ang kanyang Tita Helen.

Magkasama sina Helen at Susan sa Walang Hanggan. Silang dalawa pala ang makapagpapaiyak nang todo kay Sharon.

Aktor na naitsapwera sa isang show, todo-todo ang Pag-e-emote!

Umasa pala ang isang aktor na kasali siya sa cast ng bagong show ng TV network dahil ‘yon ang promise sa kanya nang matigbak ang kanilang dating programa.

Hindi natupad ang OPM sa aktor kaya todo-emote ito sa kanyang friends. Matagal na ang aktor sa showbiz pero hindi na siya nasanay na hindi lahat ng pangako eh puwedeng matupad dahil sa ayaw o gusto niya, nagbabago ang mga plano.

Dina nag-aaral ng maG-Ilocano

May nagkuwento sa akin na na-sight si Dina Bonnevie sa Ilocos Sur na hindi nakapagtataka dahil ang mister niya ang Vice Governor doon na si DV Savellano.

May connect na rin sa showbiz si Papa DV dahil siya ang produ ng Lam-ang, ang launching movie ni Rocco Nacino. Ang sabi ng aking mga source, pinag-aaralan ni Dina ang Ilocano dialect bilang Ilocano nga ang kanyang beloved husband.

Sa talino ni Dina, sure ako na madali niyang matutunan ang pagsasalita ng Ilocano.

Kris nagpa-interview sa Startalk

Mapapanood sa Startalk sa darating na Sabado ang interview ni Ricky Lo kay Kris Aquino.

Wala sa plano na iinterbyuhin ni Papa Ricky si Kris. Nagkataon lang na pareho ang kanilang flight sa Palawan noong Linggo at nang malaman ni Kris na pupunta si Papa Ricky sa world famous underground river sa Palawan, nagyaya siya na magsabay na sila sa pag-explore sa number one tourist attraction doon.

Puwedeng endorser si Papa Ricky ng underground river dahil manghang-mangha siya sa kanyang mga na-sight. Maniniwala ka raw talaga na may Diyos kapag nakita mo ang breath-taking rock formations sa underground river pero sa rami ng mga turista, it’s a must na magkaroon ng advance booking.

vuukle comment

CRISTY FERMIN

DINA

DINA BONNEVIE

HELEN GAMBOA

PAPA RICKY

SHARON

SHARON KASAMA MO KAPATID

TITA HELEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with