^

PSN Showbiz

Gabby hindi na namimili ng leading lady!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Inamin ni Gabby Concepcion na talagang ang pangarap niya ay maging isang piloto.

“Gustung-gusto ko talagang maging piloto kaya lang color blind ako kaya hindi nakapasa. Ikalawa kong pangarap ay maging isang dentista kaya nag-enroll ako sa UERM. Pero nagsimula na akong gumawa ng pelikula sa Regal Films kaya laging puno ng mga tagahanga ang classroom namin at nade-delay ang simula ng klase kaya nag-quit na lang ako,” sabi ni Gabo.

Pero ngayon isa na siyang matagumpay na licensed real estate broker sa Amerika. Kare-renew lang niya ng lisensiya.

Kapag hindi abala sa shooting o taping ay naroon siya sa kanyang beach house sa Lobo, Batangas. Mahilig siya sa magagandang tanawin at isang paraan para siya makapag-relax.

Bida si Gabby sa pelikulang The Mommy Returns na katambal sina Pokwang at Ruffa Gutierrez. Inamin din ng aktor na hindi siya mapili sa leading lady. Ang mahalaga ay mayroon siyang trabaho.

American Pie Reunion, walang putol

Nakalusot sa mapanu­ring mata at “gunting” ng mga board members ng Movie and Television Re­­view and Classification Board (MTRCB) ang pelikulang American Pie Reunion na punumpuno ng katatawanan. Nabigyan ito ng rating na R-18.

Tumalakay ang movie sa masturbation, homosexuality, adultery, at iba pa na bukod sa katatawanan ay hinaluan ng kaelyahan.

Tampok sina Jason Biggs, Shannon Elizabeth, Alyson Hannigan, Chris Klein, Natasha Lyonne, Thomas Ian Nicholas, Tara Reid, Sean William Scott, Mena Suyari, Eddie Kaya Thomnas, Jennifer Coolidge, at Eugene Levy sa direksiyon nina Jon Hurwitz at Hayden Schlossberg.

Palabas na ang sex comedy sa May 2 mula sa Solar-UIP.

vuukle comment

ALYSON HANNIGAN

AMERICAN PIE REUNION

CHRIS KLEIN

CLASSIFICATION BOARD

EDDIE KAYA THOMNAS

EUGENE LEVY

GABBY CONCEPCION

HAYDEN SCHLOSSBERG

INAMIN

JASON BIGGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with