^

PSN Showbiz

Phil walang aasahan?, Angel wala sa planong magpakasal!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Sa Sabado ay mapapanood si Phil Younghusband sa sitcom na Toda Max kung saan ay mainstay din si Angel Locsin kasama nina Robin Padilla at Vhong Navarro. Matagal nang espesyal ang relas­yon nina Angel at Phil pero hanggang ngayon ay hindi pa sumasagi sa isipan ng dalawa ang pagpapakasal.

“Well pareho pa kaming bata pa at marami pang priorities, malayo pa sa utak namin ’yun, sobrang layo pa,” pagtatapat ni Angel.

Samantala, pagkatapos ng tagumpay ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz na Unofficially Yours ay inamin ngayon ni Angel na dalawang beses pinanood ni Phil ang kanyang pelikula.

“Napanood niya twice. Sabi ko nga ’di siya allowed, eh nanood talaga siya. Sabi niya nga sa tingin niya mas better ’yung performance sa Unofficially Yours siyempre sumisipsip. Sabi niya maganda,” kuwento ng dalaga.

Bago pinanood ni Phil ang pelikula ay sinabihan kaagad ni Angel ang football player na mayroon silang ginawang mga maseselan na eksena ni John Lloyd.

“Mas nagulat pa nga siya roon sa na-brief ko para at least, sinasabi ko na sa kanya na story pa lang,” dagdag pa ni Angel.

Ngayon ay dalawang bagong pelikula ang nakatakdang gawin ni Angel.

“May movie kami aside sa kasama ko sina Angelica Panganiban, Bea Alonzo, at Toni Gonzaga meron pang isa na magugulat kayo kung sino ang kasama kong artista. Nag-present na sila eh so mag-start na rin ’yun soon I think,” pagtatapos ng aktres.

Piolo walang reklamo sa career

Mahigit labing-anim na taon na sa industriya si Piolo Pascual ngayon. Masaya ang aktor dahil napapanatili niya ang kanyang kasikatan dahil na rin sa tulong ng Star Magic.

“The most important thing in Star Magic is discipline and humility. This is where you realize you are not alone, that you are not isolated. More than having brothers and sisters, you also have a family, you have a mom, you have a dad, and you have handlers, road managers who look after you then take care of you through thick and thin. So talagang makikita n’yo ’yung support group mo nandito. Eve­rything you ask for. Hindi lang sa career mo kundi sa personal life mo nandito na,” nakangiting paha­yag ni Piolo.

Malaki ang pasasalamat ng aktor sa Star Magic dahil sa ginagawang pag-aalaga sa kanya.

“It’s hard to separate your personal life from your professional life when it comes to scheduling. When it comes to doing things that you have to do sa work especially sa ABS-CBN na segue sa shooting, segue sa tapings, may concert, may commercials, sumasapaw dito ’yung bilang artista ka. So, nandiyan ’yung naiintindihan nila where you’re coming from and it’s really important that they know you as a person because at least alam nila kung saan ka ila­lagay, kung paano ilalabas, kung paano ipo-protect ’yung image mo,” paliwanag pa ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANGEL

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

BEA ALONZO

JOHN LLOYD

SABI

STAR MAGIC

UNOFFICIALLY YOURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with