^

PSN Showbiz

Sexy actress todo papansin sa pagrampa sa Bora 'di naman kilala ng mga tao

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nagkaroon ng kontrobersiya ang seksing aktres kaya nagkaroon ng ingay ang career.

Ayon sa aking source na dumayo ng Boracay kung saan dun ay naimbitahan ang aktres, nakita niya kung paano rumampa ang nasabing aktres na rampa rito, rampa run ang ginawa para mapansin ng mga tao. Pero hindi siya kilala at nagtatanungan pa sila kung sino siya.

Feeling sikat kasi ang sexy star na ngayon pa lang napapanood sa teleserye. Nanggaling ito sa angkan ng mga artista.

Ronnie bumawi sa pamilya

Nang umupong chairman ng Optical Media Board (OMB) si Ronnie Ricketts ay nabawasan ang panahon nito sa pamilya dahil sa kasipagan. Kahit nga noong Pasko ay nasa sinehan ito sa SM Megamall at nanghuhuli ng mga taong involved sa camcording.

Ngayong Semana Santa ay bumawi ito at nag-bonding silang magpamilya sa Singapore. Graduate na rin kasi ang isa niyang anak na babae.

Sa kabilang banda, hindi naman tinanggihan ni Cesar Montano ang posisyon sa Optical Media Board (hindi bilang chairman) dahil nakaupo pa naman si Chairman Ricketts. Pero hindi niya feel na mamuno sa OMB dahil mas gusto ni Cesar ang trabahong nauukol sa arts and culture.

Sa totoo lang hindi ang pamumuno ni Ric­ketts ang papalitan ni Cesar kundi ang posis­yon ni John Lesaca na board member ng OMB.

Battleship may advanced screening

Inaabangan na ang pelikulang Battleship kung saan magkakaroon ng advance screening bukas (Martes, April 10) sa SM North IMAX sa EDSA. Tampok sa pelikula sina Liam Neeson bilang Admiral Shane, Taylor Kitsch as Alex Hopper, Rihanna bilang Raikes, at marami pang iba.

Isa sa memorable moment ni Liam ay nang mag-shooting sila ng isang eksena kasama ang real-life US Army colonel na si Gregory Gadson na kinunan sa pamosong Punchbowl cemetery sa Honolulu, Hawaii.

Palabas na ito sa April 12 mula sa United International Pictures na ipinamamahagi ng Solar Entertainment Corporation.

vuukle comment

ADMIRAL SHANE

ALEX HOPPER

CESAR MONTANO

CHAIRMAN RICKETTS

GREGORY GADSON

JOHN LESACA

LIAM NEESON

NGAYONG SEMANA SANTA

OPTICAL MEDIA BOARD

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with