^

PSN Showbiz

Cristine inaasam si Piolo hanggang pelikula!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Gusto nang maging leading man ni Cristine Reyes sa kanyang susunod na pelikula si Piolo Pascual. Unang nagkatrabaho ang dalawa sa teleser­yeng Dahil sa Pag-ibig na umeere ngayon at agad humanga ang young actress sa aktor.

“Gusto ko siya kasi parang ang sweet niya, kunwari wala naman sa eksena tapos kakausapin niya ako. Ganun. Basta minsan parang kikiligin ka sa kanya ’pag may ibang ginagawa na hindi siguro niya alam na nakakakilig,” kuwento ni Cristine.

Pinag-usapan nang husto ang pelikula nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay na No Other Woman. Malaki rin ang kinita ng nasabing pelikula kaya may posibilidad na maging Box-Office Queens silang dalawa ni Anne ngayong 2012.

“Hindi ko po pinaghahandaan kasi hindi ko ini-expect. Gusto ko ma-surprise na lang ako kasi ang hirap mag-expect. Nagkaroon ako ng dream na sana magkaroon ako ng movie pero hindi ko ma-imagine in my wildest dreams na magkaroon ng blockbuster movie. So it’s a blessing for me. Hindi ko ma-imagine na aabot ako sa ganito kasi ambisyon lang siya until nagtuloy-tuloy na, so thankful na ako,” pagtatapat ng aktres

YENG type si Enchong

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gumawa si Yeng Constantino ng isang cameo role para sa digital film ng Star Magic na Anino. Nakahanda rin ang pop rock singer kung sakaling muli siyang magkakaroon ng offer na gumawa ng isang pelikula.

“Naku, kung ibe-bless po ako ni God ng ganun, hindi ko po tinatanggihan ’yung ganung opportunity. Sa part ko, gusto ko mag-workshop. Pero ito ’yung pinaka-una talaga. Ginamit namin ’yung song ko na Lapit. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng acting project, sobrang delight ’yun sa heart ko, tatanggapin ko,” nakangiting pahayag ni Yeng.

Isang romantic comedy film ang gustong gawin ni Yeng kung saka-sakali at si Enchong Dee ang gusto niyang maging leading man.

“Para siyang si Mario Maurer sa Crazy Little Thing Called Love, pinanood ko ’yun, nakakakilig po ’yun. Tinitingnan ko ’yung character ni Mario, para siyang si Enchong. Mahilig ako sa rom-com. Kapag nanonood ako minsan nai-imagine ko ako ’yung leading lady sa mga Koreanovela, sobrang nakakakilig at nakakatuwa,” pagtatapat ng Kapamilya singer.

Aminado rin si Yeng na hinahangaan niya si Sarah Geronimo at gusto niyang maging katulad ng Pop Princess sa mga susunod na taon.

“Si Sarah kasi ’yung charm niya lumalabas sa screen eh, damang-dama mo lang. Kapag kinikilig siya, kikiligin ka rin. Gusto ko ’yun kasi meron din akong ganun. Minsan feeling ko para akong may sariling bubble, na kapag kinikilig talaga ako ’di ko mapigil kahit madaming tao, bigla na lang nagbu-burst out ako. Gusto ko ’yun ma-express sa camera, ” dagdag pa ng dalaga. — Reports from James C. Cantos

vuukle comment

AKO

ANNE CURTIS

BOX-OFFICE QUEENS

CRAZY LITTLE THING CALLED LOVE

CRISTINE REYES

DEREK RAMSAY

ENCHONG

GUSTO

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with