^

PSN Showbiz

Jose at Wally, balik-Zirkoh sa Jo-Wa!

-

MANILA, Philippines - Magsisilbing post concert celebration ang pagbabalik nina

Jose Manalo

at

Wally Bayola

sa inihanda nilang special show sa Zirkoh-Morato na

Jo-Wa

na mapapanood sa Marso 17, Sabado.

Ilang linggo ring nagpahinga sa gabi-gabing show sa Zirkoh ang dalawang astig sa pagpapatawa bilang preparasyon sa napakatagumpay nilang major concert na Jose & Wally Concert! A party for Every Juan sa Smart Araneta Coliseum. Hindi naman nabigo ang kanilang paghihirap dahil tunay namang super-blockbuster ang concert.

So sa pagbabalik ng tinagurian ngayong Comedy Concert Kings, isang masayang palabas ang inihanda nila sa fans nilang naka-miss sa kanila at hindi rin nakapanood ng concert dahil sa sold out ang  tickets.

“Siyempre, kahit nakapag-Araneta na kami (ni Wally), hinding-hindi pa rin naming puwedeng kaligtaan ang mga taong gabi-gabi ay nanonood sa amin sa Zirkoh. Malaki ang utang na loob namin sa kanilang lahat na patuloy pa ring tumatangkilik sa amin sa Zirkoh!” pahayag ni Jose.

“Isang malaking selebrasyon ang ibibigay namin sa pagbabalik namin sa Zirkoh.  Hindi man kasing laki ng Araneta ang Zirkoh, mas intimate naman ang crowd na hindi namin bibiguin sa bawat minuto naming performance!” saad naman ni Wally.

Magiging bahagi rin ng Jo-Wa ang isa sa hottest actors ngayon na si Rocco Nacino at iba pang special guests.

Para sa tickets, puwede nang ma­kabili sa Zirkoh-Morato at para sa iba pang detalye, tumawag sa 70-80-994 o mag-text sa 0918-407-4172 at 0916-76-78-553.

vuukle comment

ARANETA

COMEDY CONCERT KINGS

EVERY JUAN

JO-WA

JOSE MANALO

ROCCO NACINO

SMART ARANETA COLISEUM

WALLY BAYOLA

ZIRKOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with