^

PSN Showbiz

Jose Manalo marami nang pagbibigay na ginawa sa misis bago lumayas, mga pasabog ayaw lang ilabas

- Ni Jun Nardo -

MANILA, Philippines - Mas mabigat at masakit ang dahilan kung bakit mas pinili ni Jose Manalo na iwan ang kanyang pamilya. Hindi lang ito sinabi ni Annalyn sa interview niya sa The Buzz kahapon dahil mapapahiya lang siya.

Binibigyang sisi ni Annalyn ang diumano’y pagkakaroon ng bagong girlfriend ni Jose. Huwag niyang ilihis ang isyu dahil hindi naman gagawa ng ganoong aksiyon ang komedyante kung hindi sa malaking kasalanang ginawa niya sa mga taong malalapit kay Jose. Kung gustong makakuha ng simpatiya ng misis sa interbyu sa kanya, nagkakamali siya. Hindi pa rin mawawala ang jewelry scam na kinasangkutan niya kung saan nadawit pa si Jose. Ilang beses din siyang ipinagtanggol ng komedyante sa naninira sa asawa noon. Hindi niya ito pinakinggan, hanggang sa nagising na sa katotohanan si Jose.

Sa totoo lang, hindi nagkukulang si Jose sa obligasyon niya sa mga anak. Mas pinili na lang niyang huwag nang magulo at ma-stress sa problemang dulot ng asawa. Ngayon pa lang uli siya nakakabawi sa pagkakalugmok noon.

Never na nagsalita si Jose sa tunay na dahilan nang pag-iwan niya sa asawa. Alam din niya kasing lalong malulugmok sa problema ang asawa once ibuka niya ang bibig niya.

Hindi naman puwedeng lahat ng kinikita ni Jose ay ibigay niya kay Annalyn. Nawala na ang tiwala nito sa kanya kaya huwag nang magsabi pa si Anna­lyn na mahal na mahal niya si Jose!

vuukle comment

ALAM

ANNALYN

BINIBIGYANG

HUWAG

ILANG

JOSE

JOSE MANALO

NAWALA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with