^

PSN Showbiz

Angel hindi pa rin sigurado kay Phil Younghusband

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Nilinaw ni Angel Locsin na walang kinalaman ang kanyang mga dating relasyon kaya ayaw pa niyang lagyan ng label kung ano man ang tunay nilang estado ni Phil Younghusband. “Hindi, hindi ako takot mag-commit. Unfair din naman baka isipin ng tao na dahil sa past experiences ko or past na naka-relasyon ko, hindi ‘yun. Siyempre kapag nagko-commit tayo dapat ‘yung sigurado, ‘yung ready na tayo ibigay ‘yung buong sarili natin, para ‘di tayo nagkakasakitan. ‘Yun ‘yung gusto ko. Kapag nag-commit ako, committed talaga,” pahayag ni Angel.

Ayon pa sa dalaga ay hindi naman daw siya nakikipag-date sa ibang lalaki. “Wala naman akong dine-date na iba, ini-entertain. Oo, kanya naman ako pero mahirap na papasok kami sa isang relasyon na hindi pa kami ready pareho,” paliwanag pa ng aktres.

Samantala, ayon sa dalaga ay ang kanilang pelikula ni John Lloyd Cruz na Unofficially Yours na marahil ang pinaka-daring na kanyang nagawa. “Kasi hindi naman ako sanay na ganito, ‘yung mga pelikula kong ginagawa. Kung meron mang love scenes siguro isa, or bilang ‘yung mga kissing scenes,” dagdag pa ni Angel. Mayroon daw silang ginawang eksena ng aktor na hindi niya talaga makakalimutan. “Memorable scene sa akin ‘yung nasa opisina kami kunwari, tapos namula talaga ‘yung mukha ko. May ginawa si Lloydie na ‘yung tenga ko namula. Kasi wala sa script ‘yung mga sinasabi niya,” pagtatapos ng aktres.

Mapapanood na ang Unofficially Yours sa mga sinehan simula bukas.

Melai at Jason, may pinagdadaanan

Matagal na ring bulung-bulungan na nagkahiwalay na diumano ang magkasintahang sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. May mga nagsasabing si Kaye Abad daw ang naging dahilan ng hiwalayan nina Jason at Melai.

Ayon kay Jason ay malapit lamang daw talaga sila ni Kaye dahil magkasama sila sa teleseryeng Angelito, Batang Ama. Nilinaw na rin ni Kaye na hindi sila lumalabas ni Jason at magkaibigan lamang daw talaga silang dalawa. Umalis na rin daw si Jason sa Banana Split dahil kay Melai. Ayon naman sa mga tagahanga ng dalawa na Melason ay susuportahan pa rin nila ang dalawa kung ano man ang mangyayari sa kanilang idolo. Nagbigay naman ng reaksiyon si Toni Gonzaga hinggil sa isyu dahil malapit siya sa dalawa. “Ang hirap kahit meron silang pinagdadaanan, ‘di nila maayos nang sila lang dahil everyone is interested to know, especially ‘yung mga fans nila,” pahayag ni Toni.

Nabanggit din daw ni Melai kay Toni na wala naman daw third party na naging sanhi ng kanilang hindi pagkakaunawaan. Nagbigay din ng mga payo si Toni kay Melai dahil sa kanilang pinagdadaanan ni Jason ngayon. “You have to know your worth Melai. Tingnan mo ‘yung sarili mo bago ka magpahalaga sa ibang tao kasi nagtatrabaho siya para sa pamilya niya, mga kamag-anak niya. It’s about time naman na mahalin mo ang sarili mo,” seryosong mensahe ni Toni.   -Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AYON

DAW

LSQUO

MELAI

NAMAN

TONI

UNOFFICIALLY YOURS

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with