^

PSN Showbiz

Simbahang Katoliko gustong gawing Bible ambassador si Pacman!

- SEEN SCENE -

SEEN: Ang grand entrance nina Oyo Sotto at JC De Vera sa grand press launch ng Valiente sa Hacienda Leviste. Nakasakay sa kabayo sina JC at Oyo nang ipakilala sila bilang mga bida ng Valiente.

SCENE: Feel na feel ni John Arcilla ang pagpapainterbyu tungkol sa kanyang participation sa The Bourne Legacy. Huwag sanang ma-edit ang mga eksena ni John para hindi mawalan ng saysay ang kanyang madalas na pagpapainterbyu.

SEEN: Sina Coco Martin at Matteo Guidicelli ang ilan sa mga napipisil ni Andi Eigenmann na maging ninong ng kanyang anak na si Gabrielle.

SCENE: Hindi masagot ni Atty. Lorna Kapunan ang tanong tungkol sa last will and testament ni Congressman Iggy Arroyo. Si Atty. Kapunan ang abogado ni Alicia Arroyo, ang legal wife ni Congressman Arroyo na gustong idemanda si Grace Ibuna dahil ito ang nagpasya na alisin ang life support system ng namatay na kongresista.

SEEN: Ikinatuwa ng publiko ang paglahok nina Senator Mi­riam Santiago at Senator Loren Legarda sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. Hindi naumpisahan ng dalawa ang pagdinig sa kaso dahil nagkasakit si Senator Santiago at sinamahan naman ni Senator Loren sa pagpapagamot sa Amerika ang kanyang yaya.

SCENE: Ang hiling ng Simbahang Katoliko kay Congressman Manny Pacquiao na maging Bible Ambassador. Ang mga Bible study at prayer meeting ng mga Christian ay regular na pinupuntahan ni Pacquiao.

SEEN: Ang belief ni Ma. Isabel Lopez na hindi na dapat magpakita sa finale night ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown si Ellen Adarna dahil nag-quit ito. Ibon ng mga ambisyosa na nag­hubad sa pictorial upang mapansin ang tawag ni Ma. Isabel kay Ellen Adarna.

SCENE: “Dada” ang term of endearment ni Garie Concepcion sa kanyang stepfather na si Congressman Iggy Arroyo. Nagpunta sa London si Garie upang damayan ang kanyang namimighati na ina.

vuukle comment

ALICIA ARROYO

ANDI EIGENMANN

BIBLE AMBASSADOR

BOURNE LEGACY

CELEBRITY DOUBLES SHOWDOWN

CHIEF JUSTICE

COCO MARTIN

ELLEN ADARNA

IGGY ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with