^

PSN Showbiz

Isyu sa pag-ayaw ni Oyo kay Pauleen lumalala!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Susugan ko lang ’yung sinulat dito ni Veronica Samio na pag-ayaw ng marami kay Pauleen Luna para kay Vic Sotto, lalo na ng pamilya ni Bossing na inumpisahan ng panganay niyang si Oyo Sotto at ngayon ay kasali na rin ang ex-wife na si Dina Bonnevie.

Bakit kaya? Edad lang kaya ni Pauleen ang inaayawan nila? Kung hindi, ano? At bakit walang reaksiyon dito si Poleng? Hindi ba siya nasasaktan, lalo’t hindi totoo ang tsismis?

Ibig sabihin lang may katotohanan ang balita. Akala ba nila na ang hindi nila pagpatol sa isyu ay mabilis magpapawala sa isyu? Hindi ah, lalo lang itong tatagal.

Madaling magsabi ng “no” kapag hindi totoo ang balita. The mere fact na hindi nila sinasagot ang isyu ay lalo lamang nagdidiin sa katotohanang may itinatago nga sila, na ipinagpuputok naman ng butse ng mga taong malapit sa kanila.

Kung magkatulong ang mag-inang Oyo at Dina sa pag-ayaw kay Pauleen, magkatulong naman ang mag-inang Isabel Lopez at Mara Yokohama sa pagtatanggol ng kanilang mga sarili kay Ellen Adarna.

Siguro, may dapat ng mamagitan para mapigil na’t hindi umabot sa mga kasiraan nila’t kahihiyan ang mga pinagsasasabi nila. Ewan ko ang mag-inang Isabel at Mara, kung puwede silang pakialaman ng GMA 7 pero si Ellen, dahil kontratado siya ng network, ay maari nilang pagsabihan. Puwede rin siguro ang mag-ina tutal kasama naman ang mga ito sa isang malaganap na programa ng istasyon. Bago pa nila tuluyang masira ang isa’t isa.

Sino ba talaga ang nagsimula ng away at ’yun ang unahin nilang ayusin?

vuukle comment

DINA BONNEVIE

ELLEN ADARNA

ISABEL LOPEZ

MARA YOKOHAMA

NILA

OYO SOTTO

PAULEEN

PAULEEN LUNA

VERONICA SAMIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with