^

PSN Showbiz

Para tumaas pa ang offer, Carla ginagamit ang Kapamilya sa pakikipag-deal sa Kapuso?

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Bininyagan na nung kamakalawa ng tanghali ang panganay na anak nina Carlene Aguilar at Yo Ocampo sa Sanctuario de San Jose, Greenhills.

Pinangalanan nilang si Marcus Iñigo ang kanilang baby at ilan sa mga malalapit nilang kaibigan sa showbiz na tumayong ninong at ninang ay sina Angelu de Leon, Sherilyn Reyes at ang asawa nitong si Chris Tan, Jenny Miller, at Precious Lara Quigaman.

Habang binibinyagan si Marcus, umeeksena sa bandang likuran ang anak ni Carlene kay Dennis Trillo na si Calix.

Naiinip na siya at gusto nang umuwi o tumuloy sa reception na malapit lang sa simbahan.   

Sabi ni Carlene, merong panahon talagang nagseselos ito pero hindi naman sila nagkukulang sa pagbigay ng panahon para kay Calix.

PAK: Reliable ang nagkuwento sa amin na wala talagang alok ang ABS-CBN kay Carla Abellana kaya nagtataka sila bakit may lumalabas na balitang pinag-iisipan pa nito kung magri-renew siya ng kontrata sa GMA 7 o itutuloy ang paglipat sa Kapamilya Network.

Baka ang TV5 naman ang interesado kay Carla at hindi ang Dos?

Hindi kaya ginagamit lang ang ABS-CBN para makapag-deal nang mas mataas sa GMA 7?

BOOM: Pinagsabihan ng mga taga-Survivor Philippines: Celebrity Edition Showdown ang mga nag-aaway na castaways na sina Ellen Adarna at ang mag-inang Isabel Lopez at Mara Yokohama na huwag nang palakihin ang kanilang away at talakan sa mga interviews.

Malapit na ang finale ng Survivor Philippines at baka sa kanila ma-focus at hindi sa tatlong finalists na pagpipilian kung sino ang Ultimate Survivor.

Pero excited si Mara na makita uli si Ellen sa finale, para magkakaalaman na kung magkakaroon ng dedmahan o patutsadahan.

Sabi naman ni Ellen, dedma lang siya kapag magkikita-kita sila uli. Feeling niya parang hangin lang sila na dumaan sa kanya.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

CARLENE

CARLENE AGUILAR

CELEBRITY EDITION SHOWDOWN

CHRIS TAN

DENNIS TRILLO

ELLEN ADARNA

ISABEL LOPEZ

JENNY MILLER

KAPAMILYA NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with