^

PSN Showbiz

Jenny at anak na si Chloe nagpaiwan sa 'Pinas, dating asawa ni Gabby makikipag-bonding sa mga dating kaibigan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nag-usap na kami ni Jenny Syquia sa telepono at nagkasundo na magkikita kami sa linggong ito para makilala ako ng kanyang anak na si Chloe.

Ipinakausap sa akin ni Jenny ang bagets na hindi maide-deny na anak niya dahil magkaboses na magkaboses sila.

Naiwan sa Pilipinas sina Jenny at Chloe dahil bumalik na sa Sweden ang kanyang mister na si Filip Skarne at ang kanilang anak na si Filipa. Isang buwan na magbabakasyon sa Pilipinas ang mag-ina kaya may oras si Jenny na maki­pagkita sa kanyang friends sa Maynila.

Willie ’di nagpakita sa kasal ni Shalani

Talk of the town ang wedding nina Councilor-TV host Shalani Soledad at Congressman Roman Romulo. Pinag-uusapan ng madlang-ba­yan ang simple pero elegante na kasal ng dalawa sa St. Benedict Church sa Ayala Westgrove sa Silang, Cavite noong Linggo.

Naglagare ang mga TV crews dahil bago sila pumunta sa kasal nina Shalani at Papa Roman, sumaglit muna sila sa Catholic baptism ni Nathaniel James, ang panganay nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Walang na-miss ang mga TV reporters dahil hindi pa tapos ang wedding ceremony nang dumating sila sa simbahan.

Full support ang ibinigay ng TV5 sa bagong kasal dahil kumpleto ang mga reporters ng Kapatid Network.

Naroroon din sina TV5 executive Bobby Barreiro at Papa Manny Pangilinan na kabilang sa mga wedding sponsors.

Si Jay Montelibano, ang business unit head ng Wil Time Bigtime ang nag-represent kay Willie Revillame na missing in action. Ang dinig ko, not feeling well si Willie noong Linggo kaya hindi siya nakarating sa kasal nina Shalani at Papa Roman.

Wedding tinapos sa salubong ng Chinese New Year

Natapos ang wedding reception bago mag-alas dose ng gabi pero nagkaroon ng bonggang fireworks display na isinabay sa pagpasok ng Chinese New Year.

       Satisfied ang mga bisita sa masasarap na pagkain na inihanda ni Chef Florabel Yatco ng Florabel.

Ang sabi ng mga bisita, umuwi sila na busog na busog. Napaka-memorable na naging bahagi sila ng pag-iisang dibdib nina Papa Roman at Shalani.

Pagod na pagod ang bride at groom dahil tiniyak ng mga bisita na nakapagpakuha sila ng litrato na kasama ang mga bagong kasal.

Shalani isang buwang magpapahinga

Hindi pa masabi ni Shalani kung kailan siya makakabalik sa Wil Time Bigtime dahil marami pa silang aasikasuhin ni Papa Roman.

Lilipat ang dalawa sa kanilang bagong bahay at pupunta pa sila sa Amanpulo para sa kanilang honeymoon.

More or less, sa tantiya ko, baka isang buwan na hindi mapapanood si Shalani sa Wil Time Bigtime habang nag-a-adjust siya sa buhay may-asawa. Mismong si Willie ang nag-suggest na magbakasyon siya ng isang buwan pagkatapos ng kasal nila ni Papa Roman para maasikaso niya ang kanyang mister.

vuukle comment

AYALA WESTGROVE

BOBBY BARREIRO

CHINESE NEW YEAR

DAHIL

FILIP SKARNE

PAPA ROMAN

SHALANI

SILA

WIL TIME BIGTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with