^

PSN Showbiz

Lolit Solis na-miss sa kasalang Roman-Shalani!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Hindi yata nakilala ng isa sa mga coordinators ng kasalan nina Roman Romulo at Shalani Soledad ang isang kamag-anak ng bride kahapon nang mag-approach ito ng “are you part of the entourage?” sa loob ng St. Benedict Church. Or maybe nalito ang coordinator.

Mabait naman daw ang nasabing kamag-anak na dahil nang mag-dialogue sa kanya ang coordinator, walang tanung-tanong siyang tumayo kasama ang mga kaibigan yata ’yun. Reserved daw kasi ang inupuan niya sa mga flower girls.

Anyway, kung simple ang invitation nang ikinasal, sobrang simple lang din ang loob ng St. Benedict Church sa Ayala Westgrove sa Laguna. Pero mapapa-wow ka sa church na first time rin naming napuntahan ni Ms. Ethel Ramos na kasama kong nag-attend ng kasalan dahil si ’Nay Lolit Solis biglang hindi nag-attend dahil ang sabi niya, naka-apat na sukat siya ng damit pero walang nagkasya sa kanya (ewan kung maluwag or masikip sa kanya).

Actually, na-miss namin siya bigla dahil kung andun siya kahapon baka tinalakan niya ang coordinator at nag-dialogue pa. Hahaha!

Simple pero super wow talaga kahit ang mga bulaklak na naka-decorate na more on white.

Lavander, fuscha pink, and mint green ang motiff.

Ang uncle ni Shalani na kinilala niyang ama ang naghatid sa kanya sa altar.

Pinakamarami sa entourage ang mga super cutie na flower girls.

Napuno ang church ng mga kaibigan ng kani-kanilang pamilya.

Almost 6 p.m. na nag-start ang wedding ceremony.

Jenny Syquia at dalawang panganay ni Gabby nagkita-kita sa salon?

Sayang at hindi ko na nahintay na dumating sa Bambi Fuentes salon si Ms. Jenny Syquia, ex-wife ni Gabby Concepcion, na nasa bansa kasama ang pamilya at anak kay Gabby na si Chloe.

Naka-schedule ayusan ni Bambi ang mag-ina. Pero ang exciting part ay nasa sked din na ayusan si Garrie Concepcion, anak din ni Gabby kay Grace Ibuna naman.

Though mas earlier ang schedule ni Garrie kay Bambi na manonood daw ng concert ni Katy Perry. Exciting sanang makitang nagbebeso-beso ang magkapatid na kaharap si Jenny.

Nauna nang nagkita-kita ang mga panganay ni Gabby na sina KC kasama nga sina Garrie and Chloe several days ago.

Anyway, si Bambi na pala ever since ang nag-aayos kay Jenny nung time na nagso-showbiz pa ito.

vuukle comment

AYALA WESTGROVE

BAMBI

BAMBI FUENTES

ETHEL RAMOS

GABBY CONCEPCION

GARRIE AND CHLOE

GARRIE CONCEPCION

GRACE IBUNA

JENNY SYQUIA

ST. BENEDICT CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with