^

PSN Showbiz

John Lloyd at Shaina, nagkasiguraduhan muna bago nagbalikan

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Masama ba kung sabihin kong nagkabalikan sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, eh ganito ang nakikita ko sa kanila at natutuwa ako na wala na ang unos na dumaan sa kanilang buhay.

Nalulungkot lang ako na ayaw silang patahimikin ng intriga. Ang tahi-tahimik naman nila at hindi matakaw sa publisidad. Talaga lang ayaw silang tantanan ng tsismis at intriga.

Pinayuhan ko nga sila na siguruhin ang feelings nila before they decide na magbalikan at siguro naman na-realize nila na mahal nila ang isa’t isa kaya magkasama na sila ngayon.

Dapat magdasal...

Kahit gaano pa ka-grabe ang sinasabing bagong video ni Rhian Ramos, hindi na kasing lakas ang impact nito sa mga nauna nang lumabas at sinabi ni Mo Twister. Pero nakabuti rin ang pagbabakasyon niya dahil mai-spare na siya sa mga malicious talks na kaakibat ng paglabas ng video.

She should just pray harder para mabilis itong makalimutan ng tao at mabalikan niya ang kanyang trabaho.

Male celebrity na nagpatalo sa sabong, sobra-sobra naman ang datung

Eh ano naman kung nagpapatalo man ng ma­laki ang isang sikat na male celebrity sa sabong? Marami naman siyang pera, afford niyang magsugal. Ang masama ay kung ipinangungutang pa niya ang ipinangsusugal niya, dun kayo magrekla­mo. Pero habang wala siyang nagagambalang iba at maging ang pamilya niya ay patuloy sa ka­nilang magandang buhay, walang puwedeng mag­reklamo. Kesa, ireklamo ang pagsusugal niya, ituon n’yo na lang ang atensiyon niya sa mga kababayan nating nangangailangan. Baka kahit paano ay may maitulong kayo sa kanila. Pasko na, tantanan n’yo na ang intriga!

vuukle comment

DAPAT

JOHN LLOYD CRUZ

KAHIT

KESA

MARAMI

MO TWISTER

NIYA

PERO

RHIAN RAMOS

SHAINA MAGDAYAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with