^

PSN Showbiz

Cast ng isang pelikula sa MMFF sinabotahe sa promo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May production number dapat sa isang show ang cast ng isang pelikulang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ready na ang cast at nag-practice pa para sa production number nila na last week pa naka-schedule. Nagulat na lang ang cast nang sabihang hindi nila magagawa ang production number na kanilang inaral.

Technical problem ang sinabing rason sa hindi pag­katuloy ng production number ng cast pero ibang dahilan ang nakarating sa amin.

Naloka lang ang mga taong nasa likod ng pelikula sa nangyari at sa biglaang problema.

Sabagay, nakapag-promote pa rin naman ang cast ng kanilang movie, minus the production number nga lang.

In fairness sa cast, naka-smile ang lahat nang mag-promote ng movie sa ibang show, hindi halatang nagkaproblema ang promo nila.

Say ni Alice, Marian lumaki lang ang TF, ’di nagbago

Mag-ina ang role nina Marian Rivera at Alice Dixson sa Panday 2 at sabi ng huli, hindi ito ang first time na nagkasama sila ng una dahil nagkasama na sila sa Enteng Kabisote, introducing pa lang noon si Marian.

Sa tanong kung kinakitaan niya nang pagbabago si Marian, ang sagot ni Alice “mas malaki na ang TF niya, pero wala siyang ipinagbago.”

Naka-three shooting days si Alice sa Panday 2. Enjoy si Alice sa karakter niyang lumipad sa pelikula. Thankful din siya sa Imus Productions at GMA Films na kinuha pa rin siya kahit sa Glamorosa ng TV5 siya napapanood.

Rep. Irwin uunahing panoorin ang pelikula ni Dingdong

Susuporta si Cong. Irwin Tieng sa 2011 MMFF at ’pag may chance siya, panonoorin niya ang seven entries pero sa ngayon uunahin niyang panoorin ang Segunda Mano dahil barkada niya si Dingdong Dantes, next ang Panday 2 dahil kay Sen. Bong Revilla, Jr. at Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story dahil kay Laguna Gov. ER Ejercito.

Ten years na palang barkada niya si Dingdong dahil ang childhood friend niya ay classmate nito sa Ateneo. After mapanood ang mga entries, saka na niya sasabihin kung sino ang bet niyang best actor, best actress, best movie, at iba pang kategorya.

Nasa second term na si Irwin, may one term left pa siya at tatapusin niya ito pero walang balak to seek for a higher position.

“I don’t see myself as a senator at wala rin akong balak tumakbong mayor ng Makati dahil friend namin ang mga Binay,” sabi ni Rep. Irwin.

After his term, baka bumalik siya sa family business dahil magkakaroon ng news channel ang Solar TV at gusto ng uncle niyang si Wilson Tieng na balikan ang pagpoprodyus ng pelikula.

                                                                             

vuukle comment

ALICE DIXSON

ASIONG SALONGA STORY

BONG REVILLA

DAHIL

DINGDONG DANTES

ENTENG KABISOTE

IRWIN

NIYA

PANDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with