^

PSN Showbiz

Bossing pinapagawan na ng bahay si Pauleen?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Bonding sina Marian Rivera at ang ina ni Dingdong Dantes na si Mommy Angeline Dantes sa grand finals ng Protégé na ginanap sa Centerstage ng SM Mall of Asia nung isang gabi.

Kasama rin nila ang isang kapatid ni Dingdong na babae at hinintay nila ito hanggang sa natapos.      

Magkakasama silang umalis pagkatapos ng show, at makikita mong bahagi na ng pamilya ni Dingdong si Marian.

Siyanga pala, tinanghal na grand winner ng Protégé si Krizza Neri at ang mentor nitong si Aiza Seguerra.

PAK: Natawa si Ervic Vijandre sa isyung ni­l­i­ligawan niya si Frenchesca Farr sa set ng Kokak.

Ayon kay Ervic, naging close lang talaga silang lahat sa Kokak at madalas ay tinutuksu-tukso siya kay Frenchesca.

“May love team na nga kaming dalawa dun. Ang baho lang ng love team namin na tawag nilang ‘Echas,’” natatawang kuwento ni Ervic.

Hindi pa naman niya masasabi sa ngayon kung liligawan si Frenchesca. Pero nag-i-enjoy lang sila sa taping na parang magkakabarkada.

BOOM: Iniiwasan ni Vic Sotto na pag-usapan ang personal na isyu nang mag-guest ito sa The Buzz para i-promote ang Enteng ng Ina Mo nila ni AiAi delas Alas.

Si Pauleen Luna naman ay nag-guest sa birthday concert ni Allan K sa Zirkoh Morato, Quezon City nung nakaraang Sabado at iniiwasan din nitong magpa-interview sa media.

Pero nang nakorner namin, napilitan din siyang sumagot sa pangungulit namin tungkol sa isyu nila ni Bossing Vic.

“I just have to keep it private na lang. Kung may mga pagbabago man sa buhay ko, gusto ko akin na lang muna,’” sagot sa amin ni Pauleen.

“Basta as a whole, masaya ako dahil ang daming blessings na dumarating sa akin and malapit nang matapos ang bahay na pinapatayo namin,” pahayag ng young actress.

Pero nilinaw nitong bahay nilang pamilya ’yun, baka isipin daw naming bahay nila ni Bossing Vic ang pinapatayo.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALLAN K

ANGELINE DANTES

BOSSING VIC

DINGDONG DANTES

ERVIC

ERVIC VIJANDRE

FRENCHESCA

FRENCHESCA FARR

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with