^

PSN Showbiz

Bahay na ipina-renovate ni Luis tapos na, pagpapakasal kay Jennylyn pinaghahandaan na!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Masayang-masaya si Luis Manzano sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado. Kahit parehong abala sa kanilang mga trabaho ay humahanap talaga sila ng oras para magkasama kaya magkasun­dung-magkasundo ang dalawa.

Totoo kayang nagpa-plano nang magpakasal sina Luis at Jennylyn ngayong tapos na ang pagpapa-renovate ng bahay ng binata?

“Hindi naman, matagal-tagal pa ’yun. But of course it’s bound to happen. Prepared na rin ako sa future kesa sa huli pa,” pagtatapat ni Luis.

Sobrang laki ng bahay ni Luis sa Green Mea­dows na ipinamana sa kanya ni Gov. Vilma Santos noong 2007. Naging abala si Luis sa pagpapa-renovate ng nasabing bahay dahil tinutukan niya talaga ang lahat ng pagawa dito.

“’Yung initial na plano na magkaroon ng home theater, natupad ’yun. Pero ’yung room ko talagang naayos ko, maganda. Mula sa TV na may surround sound, ganon. I was very hands on, although hindi ako nakakapag-shop, pinapadalhan ako ng mga sample. Very masculine ’yung design, very wide, all windows. Kapag tumawid kayo ng kalye makikita n’yo akong naliligo. Ganoon ka-visible ’yung loob ng bahay,” natatawang kuwento ni Luis.

Kahit wala nang trabaho, Ejay at Empress madalas mag-date

May bagong teleseryeng gagawin si Ejay Falcon sa susunod na taon, ang TV remake ng pelikulang Mundo Man ay Magunaw noong dekada 90.

“May next show na naman ako after Guns and Roses kasama si Empress so, sana suportahan din nila. Kumbaga ito ’yung time naming ilo-launch kami ni Empress as a love team na kami talaga ’yung lead so sana suportahan ng tao. Remake ito ng dating movie nina Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta,” pahayag ni Ejay.

Nakararamdam ng pressure ngayon ang binata dahil makakasama niya sa bagong serye ang iba pang magagaling na aktres sa industriya.

“Kay Empress wala na akong pag-aalinlangan kasi kampante na akong katrabaho siya pero ’yung iba like Ms. Eula Valdez at Ms. Sylvia Sanchez, pa­rang medyo nakaka-pressure kasi first time ko silang makakatrabaho. Alam naman natin na talagang ma­gagaling na artista ’yung mga ’yun,” paliwanag ni Ejay.

Natutuwa ang young actor dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Kapamilya Network para magbida sa bagong soap opera.

“Siyempre dapat maging proud at masaya kasi unang-una it’s a blessing ’tapos proud ako sa sarili ko na sa dinami-dami ng mga artista, na-build up ’yung love team namin after ng Guns and Roses. Kumbaga na-test out kami sa Guns ’tapos ngayon nasundan,” dagdag pa ni Ejay.

Samantala, laging magkasama sina Ejay at Empress kahit wala silang trabaho kaya mas lalo na silang napalapit sa isa’t isa.

“Lagi naman kaming nagkikita kahit walang trabaho, ganyan. Kaibigan ko naman talaga si Empress. Magka-text kami, nagkakamustahan, nagdi-dinner kasama ’yung iba naming mga friends like sina Melissa Ricks at Kitkat.

“Marami naman kami. Kahit walang trabaho masasabi ko na magkikita kami,” kuwento pa ni Ejay.Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

EJAY

EJAY FALCON

EULA VALDEZ

GREEN MEA

GUNS AND ROSES

JENNYLYN MERCADO

KAHIT

LUIS

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with