^

PSN Showbiz

Bong at Marian naglaplapan nang hindi ipinagpaalam sa kani-kanilang partner

- Veronica R. Samio -

Parang kailan lamang, nung isang taon, ay magkaribal sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Marian Rivera. Ngayong taong ito, nagsanib-puwersa sila para magawa ang joint entry ng GMA Films at Imus Production, ang Panday 2.

Nang malaman ni Bong na gusto ng kanyang direktor na si Mac Alejandre na pawang magaganda lamang ang bubuo ng major cast ng kanilang pelikula, ipinakiusap niyang isama sa cast si Marian.

Kahit abala ang aktres, hindi nagdalawang-isip ang Reyna ng Primetime Series ng GMA 7 na maging bahagi ng pinaka-grandiosong entry sa MMFF ngayong Pasko.

May mga kissing scene din sina Marian at Bong na ginawa nila na hindi na ipinagpaalam sa kani-kanilang partners. Katuwiran na lang ni Bong sport lang ang kanilang mga partners. “Pareho namang Caviteña sina Lani (Cong. Mercado his wife) at Marian,” anang senador.

Repeat concert ng Wonder Gays agad-agad sa Library

Wala pang dalawang buwan nang ganapin ang May Nag-Tweet, Har, Har, Har concert ng Wonder Gays pero mayroon na agad itong kasunod. This time it will be a two-night affair na mangyayari sa Library Malate sa Nov. 30 at Dec. 1. Ang Library mismo ang humiling ng repeat concert nina Pink, White, Blue, Black, Green, at Gray na nangakong magbibigay ng mas bold at mas magimik na palabas kasama pa rin sina Polo Ravales, Aaron Villena, Frank Garcia, at Rowell Quizon.

Para sa tiket, maaaring tumawag sa 441-1276/413-6791/0923-8997172, hanapin si Connie o Maricon.

Iza ilalabas na ang nararamdaman

 Ipaaalam sa ating lahat ng Showbiz Central ang tunay na saloobin ni Iza Calzado sa pagpanaw ng kanyang ama. Nakita natin siya sa burol at hanggang sa ilibing si Lito Calzado na buong tapang at tatag na tinatanggap ang isa pang hamon ng buhay sa kanya.

The actress finally opens up sa isang exclusive, mamayang hapon na sa GMA 7.

vuukle comment

ANG LIBRARY

BONG REVILLA

FRANK GARCIA

HAR

IMUS PRODUCTION

IZA CALZADO

LIBRARY MALATE

LITO CALZADO

MAC ALEJANDRE

WONDER GAYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with