^

PSN Showbiz

Nora Aunor natakot nang makita si Charo Santos sa Ad Congress?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Malaking break kay AJ Muhlach ang pagkasali sa kanya sa PS I Love You ng TV5 na magsisimula na mamayang gabi.

Ang napansin lang namin kay AJ, bakit tila nabawasan ang kaguwapuhan nito ngayon.

Isa si AJ sa mga malalakas ang dating nung kasali pa ito sa XLR8. Pero parang naging simple na lang ang hitsura nito ngayon.

PAK: Totoo kayang nag-isnaban sina Ms. Charo Santos-Concio at Ms. Nora Aunor sa nakaraang Ad Congress na ginanap sa Camsur nung nakaraang linggo?

May nakapansin din na sadyang umiwas si Nora nang nakitang parating na si Ms. Concio.

Very vocal naman ang Superstar na malaki ang sama ng loob sa ABS-CBN 2 kaya siguro hindi niya kayang makipagplastikan.

BOOM: Matapang na rin magsalita si Ynna Asistio para maipagtanggol lang ang kanyang inang si Nadia Montenegro.

Sobrang nasasaktan na siya sa mga naglalabasan at sa mga sinasabi ni Tita Annabelle Rama sa kanyang ina.

Sabi ni Ynna, “Kung talagang balewala kami sa kanya, na hindi naman siya kumikita sa amin, bakit hindi pa niya kami i-release?”

“Hindi po talaga ako ’yung may utang. Ang hirap eh, nabaligtad lahat. Kaya nga kung wala kaming poprotektahan, kung gusto kong sagutin lahat, sasagutin ko para sa mommy ko kasi sobrang baliktad eh.

“Saka hindi malakas ang loob kong magsalita kung hindi totoo ang mga sinasabi ko,” deretsahang pahayag ng young actress nang nakausap namin ito sa presscon ng The Road.

vuukle comment

AD CONGRESS

ANNABELLE RAMA

CAMSUR

CHARO SANTOS-CONCIO

I LOVE YOU

MS. CONCIO

NADIA MONTENEGRO

NORA AUNOR

YNNA ASISTIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with