^

PSN Showbiz

Aktres na pabagu-bago ang isip, inayawan ng network na type lipatan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagbago na naman ang isip ng isang aktres, gus­to na namang umalis sa kanyang home network at ituloy ang paglipat sa kabilang network na gustong kumuha sa kanya noon pa. Ang kaso ayaw na sa kanya ng network na gustong kumuha sa kanya dahil pabagu-bago nga siya ng isip.

Kundi pala nagbago ang isip ng aktres nang una siyang alukin ng kontrata ng network, dalawang shows agad ang ibibigay sa kanya, pero nagbago nga ang umatras, at nag-renew ng kontrata sa kanyang home network.

May blocktimer producer na gustong kumuha sa aktres at isasama siya sa isang malaking show at isa siya sa mga bida pero inayawan siya ng network dahil paiba-iba raw ng isip. Kaya no choice ang aktres kundi mag-stay sa home network niya hanggang matapos ang kanyang kontrata.

In fairness, laging may show ang aktres sa home network niya at hindi siya makakapagreklamo na pina­babayaan. Pero big role ang gusto nito at tila mailap ito sa kanya.

Elmo aminadong kulang sa acting

Naurong sa March o April ang playdate ng Just One Summer, ang launching movie nina Elmo Ma­ga­lona at Julie Ann San Jose sa GMA Films sa di­rection ni Mac Alejandre. Jan. 18 ang original playdate ng movie.

Habang hindi pa nagsisimula ang shooting, nagwo-workshop muna kay Direk Gina Alajar sina Elmo at Julie. Natuwa kami kay Elmo nang makausap sa presscon ng Daldalita dahil tinanggap na kulang pa ang alam niya sa acting at hindi nagalit sa press na pumuna sa acting niya sa Tween Academy: Class of 2012.

Kaya habang wala pang pelikula sina Julie Ann at Elmo, panoorin muna sila sa Daldalita at sa Party Pilipinas. Hindi pa nagkikita ang karakter ng dalawa.

Rhian gumagalaw ang mukha sa poster

Napanood namin sa isang website ang tinatawag na “motion poster” ng The Road na mas nakakatakot nga dahil gumagalaw. Ang tingin namin dun sa mukhang sunog na gumagalaw ay mukha ng karakter ni Rhian Ramos na nasunog at kung bakit, hindi namin sasabihin.

Nabasa rin namin ang tweet ni Direk Yam Laranas na kailangan niya ng eight weeks para sa post-production ng pelikula, kaya okay sa kanya na naurong sa Nov. 30 ang playdate nito.

Ready na rin ang movie sa premiere night sa Nov. 25.

Bago sa amin ang karakter na ginagampanan sa pelikula ni Carmina Villarroel.

Sarah at Anne ka-join sa All For 1 concert

Guests sina Sarah Geronimo at Anne Curtis sa All For 1 concert ng Side A Band at ni Martin Nievera sa Smart Araneta Coliseum sa Nov. 11. Tiyak na mas dadami ang manonood sa concert sa presence ng dalawang Viva artists na parehong “hot” ngayon.

Siguradong kakantahin ni Anne ang ilang cuts sa kanyang hit Annebisyosa album at si Sarah, hindi magpapahuli sa galing mag-perform.

Doble-dobleng saya kung ganun ang mangyaya­ri sa concert na produced ng Viva Concerts and Events at kick-off sa 30th anniversary ng Viva Films.

vuukle comment

ALL FOR

ANNE CURTIS

CARMINA VILLARROEL

DALDALITA

DIREK GINA ALAJAR

DIREK YAM LARANAS

ELMO

ELMO MA

JULIE ANN

NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with