^

PSN Showbiz

Charice hindi nakapagpigil sa mga kamag-anak ng pinatay na tatay!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nakaka-shock ang mga balita kahapon, All Saints’ Day.

Pinatay ang tatay ng international Pinay singer na si Charice at kapatid naman ang suspect sa pagpatay sa anak ni Sen. Ramon Revilla, Sr. na si Ram Revilla.

Hiwalay ang mother and father ni Charice.

Sa Twitter account ni Charice kahapon, sinabi nitong nagparamdam sa kanya ang amang si Ricky Pempengco na pinagsasaksak sa San Pedro, Laguna.

“Last night, may kasama ako pero sabi ko kamukha niya daddy ko. Di ko alam na nagpaparamdam na pala siya. Gusto ko lang malaman n’yo, na we had a really great relationship bago nangyari lahat ng gulo. Sinabi niya sa akin nung ako’y bata pa na hindi actually alam ni mommy, gusto niya akong ma­ging sundalo kasi sabi niya matapang daw ako. I loved him and I will still love him. He’s still my Dad after all,” sabi niya.

Pero bago ang nasabing tweet ay mahaba ang sinabi ni Charice tungkol sa mga kamag-anak ng kanyang ama na galit sa kanila.

“Para sa mga kapatid ng daddy ko, wala kayong karapatang sabihin o hulaan ang nararamdaman ko. Sino kayo para sabihing masaya ako sa pagkawala ng SARILI KONG AMA? Kapatid lang kayo at ako ay ANAK. Kung natatandaan n’yo, KAYO MISMO ANG NAGSABI SA AMIN NA IWASAN ANG DADDY KO. Sinabi n’yo pa na ‘wag gamitin ang apelyido niya. Hindi pinagbawal ni mommy na dalawin ang daddy namin pero HINDI N’YO KAMI PINAYAGAN. Wala ka­yong respeto sa PAMILYA NIYA para sabihin n’yo ‘yan ngayon! Imbis na ayusin n’yo, sinisira n’yo pa! Alam ko na nagalit ako sa kanya! Pero hindi ko sinabing itinatakwil ko siya! matagal akong naging tahimik sa mga eskandalong ginagawa n’yo. Pero ngayon, di ko na kaya pati sa pagkamatay nya GANYAN PA RIN KAYO. Hindi ako takot. Lalo na sa mga taong walang respeto,” mahabang tweet ni Charice kahapon ng umaga na binura rin niya agad.

Matagal nang may problema ang mommy ni Charice sa kanyang daddy. Dalawa silang magkapatid na inaalagaan ng kanyang mommy na sa Laguna na rin nag-i-stay ngayon.

Violence ang sinasabing dahilan ng paghihiwalay ng nanay at tatay ng international singer na katatapos lang mag-concert sa bansa kasama ang grupo ng manager niyang si David Foster.

Kasama pa sana siya sa grupo na magko-concert sa Singapore pero nagmamadali siyang bumalik ng ‘Pinas.

“I am very sorry to all my fans from Singapore. I am not going to be there to be part of David Foster and Friends concert. I have to go back to the Philippines as soon as possible to be with my family. I hope you all understand. I love you all and I will see you next year.”

Nakilala naman agad ang pumatay sa tatay ni Charice.

Samantala, as of press time ay may nag-tweet na isinugod sa hospital si Sen. Ramon Revilla Sr. dahil sa high blood.

Kinasuhan na rin ang nasabing kapatid na pinangalanang si Ramon Joseph na sinasabing mastermind sa pagpatay kay Ram. Kasama pa ang isang kapatid daw na si Mara.

vuukle comment

AKO

ALL SAINTS

CHARICE

DAVID FOSTER

DAVID FOSTER AND FRIENDS

KASAMA

NIYA

PERO

RAM REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with