^

PSN Showbiz

Robin pikon!, Claudine sinisisi sa hiwalayan nila ni Raymart?

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Halos araw-araw ngayon ang taping ng Gla­morosa dahil sa nag-reshoot sila ng mga ekse­nang kasali na si Gloria Diaz.

Si Gloria ang ipinalit kay Celeste Legaspi na pina­pagpahinga muna ng doktor pagkatapos nitong magkasakit.

Pero nangako naman ang mga taga-Glamorosa na isasali pa rin nila si Celeste pero ibang role na ang gagampanan nito at hindi na gaanong mahirap ang mga gagawin nito sa taping.

Sa Nov. 7 na magsisimula ang Glamorosa ni Lorna Tolentino kaya kailangang matapos na nila ang taping ng first two weeks ng naturang drama series.

PAK: Medyo napikon si Robin Padilla sa sina­bing inatras nito ang entry niyang Mr. Wong sa Metro Manila Film Festival.

Ibinigay na lang daw niya ang kanyang slot sa entry ni Gov. ER Ejercito na Asiong Salonga dahil nalaman niyang matagal na itong tapos, samantalang hindi pa nagsisimula ang shooting ng kanyang Mr. Wong.

Kung hindi siya umatras, ano ang tawag dun sa ’di niya pagkatuloy ng kanyang pelikula?

Tanggap naman namin ang rason niyang ibinigay niya ito sa isang kaibigan. Pero kahit nagbigay ka, umatras ka pa rin.

BOOM: Karamihan sa mga malalapit na kaibigan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto ay naniniwalang matutuloy din sa hiwalayan ang gulong hinaharap nila ngayon.

Nakikita nila noon pa na talagang may problema ang mag-asawa na madalas ay isinisisi nila kay Claudine.

Ang sabi nga ng ilan, kung totoo mang nasaktan ni Raymart si Claudine, hindi na sila magtataka dahil talagang mauubusan ka raw ng pasensiya sa ipinapakitang ugali ng aktres.

Hindi lang nila alam kung ano talaga ang problema ng aktres.

vuukle comment

ASIONG SALONGA

CELESTE LEGASPI

CLAUDINE

CLAUDINE BARETTO

GLAMOROSA

GLORIA DIAZ

LORNA TOLENTINO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MR. WONG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with