^

PSN Showbiz

Aktor naglabas ng P100 million para sa sinosyuhan na negosyo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Marami ang bilib sa actor na ito na isa ring successful businessman. Nakaya niyang maglabas ng P100 million para sa darating na big project na kanyang sinosyuhan at in cash niya ibinigay ang kanyang share. ‘Kaloka ha!

Kasunod nito, itinanggi ng actor na siya ang na-blind item na naloko ng almost P64 million sa isang project na hindi natuloy, pero inaming nagbebenta siya ng bahay. Ibig kayang sabihin, nasa real estate business din siya?

Na-curious tuloy kaming alamin kung magkano ang asset ng actor na mabubuhay ng marangya kahit hindi mag-showbis.

Ngayong lang umamin Direk GB nasaktan sa bintang ni Vice Ganda na tsismoso siya

Kahit si Martin Nievera, naniniwalang controversial si GB Sampedro dahil “our controversial director” ang pakilala nito sa interview para sa All For 1 concert nila ng Side A Band sa November 11, sa Smart - Araneta Coliseum.

Sabi ni Direk GB, hindi siya resident director ng Viva Concerts and Events, madalas lang siyang kinukuha to direct concerts ng company ni Mr. Vic del Rosario. Dobleng tuwa niya dahil mga number one ang makakatrabaho at Side A fan siya.

Musical extravaganza ang two-hour show at babawasan ang spiel para mas marami ang numbers nina Martin at Side A. Ang Viva ang nakaisip ng title based sa petsa ng concert at tiniyak nitong  mag-e-enjoy ang lahat.

Sinagot pala ni direk ang isyu sa kanila ni Vice Ganda na lumabas after ng concert ni Viva. Sabi nito: “Wala akong sinasabi, walang isyu sa akin, sa side nila galing ang mga salita. Pero na-offend ako na tinawag akong tsismosong director dahil tao lang ako. Hindi lang ako ang tao roon, nasaktan ako dahil na-zero in na ako ang source. Hindi pa kami nagkakausap ni Vice, pero willing ako to direct him again. Ask them if willing silang muli akong maka­trabaho.”

Joshua sa Canada mag-aaral

Kailangan lang palang pumayat ni Joshua Dionisio para ma-define ang hugis ng mukha at lumabas ang kaguwapuhan. Pina-treat na rin nito ang pimples, kaya kumikinis ang face at nagpalagay ng braces at kita ng press ang malaking improvement sa personality ng bagets sa presscon ng Ikaw Lang ang Mamahalin.

Role ni Sherwin Ordonez sa original soap ang ginagampanan ni Joshua, hindi ipinapanood sa kanila ang original ILAM  para hindi nila magaya ang acting ng mga artista doon at para iba at fresh ang atake nila sa kanilang role.

First time naming nagkaroon ng serious interview kay Joshua at nag-share ito ng dreams niya. Nag-iipon siya for his college education dahil sa Canada niya gustong kumuha ng chiropractor course na ang alam niya ay mahal at matagal.

“Malaki ang iipunin ko, kaya magtatagal pa ako sa showbiz at hanggang gusto ako ng fans namin ni Barbie (Forteza), mag-aartista ako. Masyado na kasing common ang nursing at gusto ko walang opera, kaya chiropractor ang kurso kong gusto,” sabi ni Josh.

Anyway, sa Monday na ang pilot ng ILAM after Pahiram ng Isang Ina sa direction ni Roderick Lindayag. Maganda ang napanood naming trailer, magugustuhan at kikiligin ang JoshBie fans.

Writer ng The Alchemist iniisip ang ‘Pinas

Natuwa ang fans ng author na si Paulo Coelho sa tweet nito last Thursday na “I Woke up thinking about the Philippines. I must visit the country and I must visit Thailand, Indonesia, Korea.”                             

‘Pag natuloy bumisita sa ‘Pinas si Mr. Coelho, sana magkaroon siya ng book signing para mapirmahan ang mga libro niyang favorite basahin ng mga Pinoy gaya ng The Alchemist, The Pilgrimage, ang gusto naming Veronica Decides to Die at ang mga bago niyang books.

vuukle comment

AKO

ALL FOR

ANG VIVA

ARANETA COLISEUM

DIREK

SIDE A

SIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with