^

PSN Showbiz

Robin susundan si Mariel sa TV5 pagkatapos ng comedy show nila ni Pokwang

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nakapagtataka ba na sundan ni Robin Padilla si Mariel Rodriguez sa TV5 kung saka-sakali? Nagawa na niyang magpalipat-lipat ng GMA 7 at ABS-CBN, what’s to prevent him from going to TV5? Puwera na lang kung nakatali siya sa isang kontrata.

Hindi naman siya tatanggihan sa Singko dahil nangangailangan nga rito ng mga artista. Katatapos lang niya ng Guns and Roses sa Dos. Meron siyang ginagawang isang comedy kasama si Pokwang pero wala pang balita kung kailan ipalalabas.

Matet nanay na ni Barbie

Pabata nang pabata ang tumatanggap ng mother roles. Si Matet de Leon na kasabayan lang ni Aiza Seguerra ay pumayag nang maging nanay ni Barbie Forteza sa isang serye sa TV. Magandang project na ito para sa anak ng Superstar na ayon sa isang talent coordinator na nakausap ko ay mahirap din naman tumanggap ng role.

Hindi ito puwede sa mga intimate scenes kaya dun sa pagiging nanay safe siya. Hindi naman naghahanap ng bread and butter si Matet, gusto lang niyang mailabas ang kanyang passion for acting. In fairness to her, kahit sa mga simpleng roles, nagpapakita siya ng galing. Mana silang tatlo nina Ian at Lotlot kay Nora Aunor.

Vice hindi na talaga makasundo ang manager

Sa takbo ng relasyon nina Ogie Diaz at Vice Ganda, sila man ay on the verge of breaking up. Ganito ang madalas kinahihinatnan ng maraming manager-talent relationships lalo’t nagkakaroon na ng sarili niyang plano ang artista at iba na ang gusto niya sa gusto ng manager.

Kung sa iba ay maaaring malunasan pa ito pero sa sinasabi ng press na nakakausap ko’t pumapasyal sa akin, maraming gusto si Vice na taliwas sa gusto ng manager niya. At dahil sa siya ang may katawan, gusto niyang siya ang masunod na ewan ko kung hanggang saan mapapayagan ng kanyang manager.

                                                             

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

BARBIE FORTEZA

GUNS AND ROSES

MARIEL RODRIGUEZ

MATET

NORA AUNOR

OGIE DIAZ

ROBIN PADILLA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with